Chapter 10

6.5K 324 60
                                    

"POLARIS, HOW do you feel now?"

It is painful. Gusto kong sabihin na sobrang sakit pero nang bumungad sa paningin ko ang mga mata ni Eve ay hindi ko na nagawang sabihin. Kagigising ko lang at ang nag-aalalang mga titig niya ang sumalubong sa akin. Agad na naalala ko ang nangyari bago ako operahan. It was definitely a gunshot on my left arm.

Nasa kanan ko si Eve na nakaupo at puno ng pag-aalala ang mga mata. Her eyes were worried and I can clearly see that I am not the only one who's in pain. Mariing hawak niya ang kanang kamay ko at masuyong hinahalikan iyon.

Inikot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Sobrang lawak na parang nasa hotel kami. Kumpleto pa ang mga gamit. It is suffocating to think that I'm in a hospital.

Gusto kong sabihin na sobrang sakit, pero hindi ko magawa dahil mas lalo siyang mag-aalala. Ramdam ko ang kirot sa braso ko kaya nahihirapan din akong gumalaw.

"Fine." Simpleng sagot ko pero hindi naniniwala ang mga titig na binigay niya sa akin.

"I'm sorry." Nangingilid ang luhang paumanhin niya. "It is my fault. I-I'm so sorry, sweetie." Garalgal ang boses na tugon niya ngunit masuyo. I can feel her trembling from mixed emotions.

She looks vulnerable as of the moment. Ang mga mata niyang masuyong nakatitig sa akin at ang bawat haplos niya sa kamay ko ay puno ng pag-iingat. Takot na masaktan ako sa kahit na anong paraan.

She rested her cheek on the back of my hand while staring intently at me. Kung tignan niya ako ay parang nararamdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. It cannot be faked. I know that she genuinely cares for me.

"Hindi mo naman kasalanan." Gusto sana siyang harapin pero nahihirapan ako na igalaw ang braso ko at hindi ako makatagilid.

"They made you cry." Tukoy niya kanina nung bago ako madala rito sa ospital. Anong oras na ba? Madaling araw na yata.

Who wouldn't cry with that kind of pain? Ramdam na ramdam ko talaga sa laman ko ang pagkakabaon nung bala. Eve was quick to take care of me. Even if she was trembling, she managed to composed herself.

"They made you bleed." She whispered with danger. Dumilim ang mga mata niya at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa kamay ko. "Polaris, they hurt someone they shouldn't."

Her eyes were full of darkness. Hindi galit ang ekspresyon niya pero mararamdaman na may mali sa kanya. Masyadong mabigat sa pakiramdam. Walang awa ang mga mata niya. She's not angry, but in agony. Kahit na wala siyang sabihin ay mararamdaman sa kanya.

"I'll make them pay for this, hmm?" She softly reassured me, easing my anxiousness. Tumayo na siya sa kinauupuan para magaan na halikan ako sa ulo.

Sumiksik ako sa leeg niya habang ang mga kamay niya naman ay nasa mukha at leeg ko. She's whispering kind words to my ear to help me feel calm. Ni hindi niya na nga kailangang magsalita pa ng kung ano. All I need is to feel her.

"Anong gagawin mo? Mahuhuli ba sila?"

Nang kumalas siya sa yakap at mapanganib ns nginisihan niya ako. "I have no record of someone who luckily escaped my anger." Naupo ulit siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko. "Just rest, hmm? I'll take care of everything."

"Evion." Seryosong pagtawag ko dahil baka may gawin siya. "Anong gagawin mo?"

"It's not for you to know, baby." Pag-iling niya habang hinahaplos ako sa braso. "Now, rest more. Sleep na. I'm glad you're awake." She hastily kissed my cheek. "Thank you for being brave. You did great."

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now