Chapter 33

6.2K 298 142
                                    

"BABY, ARE you still tired?"

Naalimpungatan ako sa magagaan na halik na buong mukha ko, at may kasamang panggigigil iyon. I slowly opened my eyes and her gorgeous brown eyes welcomed my sight. It looks more light now than the first time I've known her. She made the morning more blissful and meaningful.

Nanlalatang tumango ako sa kan'ya kaya umayos siya ng tayo. I feel so sleepy. Ni hindi ko nga magawang imulat ang mga mata ko dahil sa antok na nararamdaman. Gusto ko na lang na matulog buong maghapon, pero naalala kong December 24th ngayon kaya sasalubungin namin ang pasko.

Magsasalita pa sana ako nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya. My eyes grew wide and I was left speechless. What the---!

"E-Eve, magbihis ka nga." Sita ko sa kan'ya nang makitang nakasuot lang siya ng puting robe na hindi nakatali kaya parang nakapatong lang sa balikat niya, at underwear lang. Sanay talaga siya sa gan'yan.

"What? As if you didn't see---"

"S-Shh!" Pagpapatahimik ko at mabilis na nawala ang antok ko. Napalitan ng hiya dahil sa sinabi niya. I'm still embarrassed, I can feel the heat on my face.

"Baby, it's fine, okay? I'm yours. And besides, we're marr---"

"Evion, naman, eh." I groaned in embarrassment. "Masaya ka niyan?" Inis na baling ko sa kan'ya dahil natatawa siya sa akin.

"Yes, of course." Nawala na ang antok ko nang makitang nagbibihis talaga siya sa gilid ko.

She's wearing nothing but her underwear. Ugh. She, without any doubt, has a perfect and admirable body to die for. She's an irresistible temptation. "Would you like to sleep more, honey? Bababa muna ako." Malambing na paalam niya kaya humilata na ako mula sa pagkakahiga at tinignan ulit siya. Ang sakit pa ng katawan ko.

"Susunod na lang ako." Niyakap ko ang unan na ginamit niya at naghikab. "Inaantok pa ako, Eve."

Nahuli ko siyang nakatitig lang sa akin kaya nagtaka ako. Her stares were both piercing yet it burns with deep adoration. "Bakit?"

"Nothing. You are breathtaking." She bit her lower lip in a seducing manner, as though she's suppressing herself to do something. "You're so mine. It's beautiful." Bumaba ang tingin niya sa leeg ko kaya tinaas ko ang kumot na bumaba at tinalikuran siya ng pagkakahiga dahil nahihiya talaga ako.

"Baba ka na nga." Pagpapaalis ko sa kan'ya at sinamaan siya ng tingin. "Evion, ha."

"What, love?" Inosenteng tanong niya kaya umismid ako.

"Tigilan mo kakaasar." Banta ko at sinamaan siya ng tingin nang sulyapan ko siya.

Pakiramdam ko ay naisahan ako. Kagabi pa siya gan'yan kaya nakakainis siya. Isa siyang malaking scammer. Bibigyan daw ako ng choices para sa gusto kong mangyari, pero iba naman ang ginawa.

Lumapit ulit siya sa akin at magaan na hinalikan ako sa ulo. Masuyo at maingat ang paghawak niya kaya kumalma ang pakiramdam ko. "Sunod ka, okay? I'll be waiting." Paalam niya at hinaplos ako sa buhok pataas. "I love you so much, mahal." Those words certainly melted my heart. She kissed my temple once more, in a tender manner.

Nauna na siyang umalis kaya naiwan ako na nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. Kahit na gusto kong bumalik sa pagtulog ay hindi ko na magawa. I yawned once more before getting up to prepare myself. Bumaba ang puting kumot kaya napatingin ako sa katawan ko. I have so much red marks on my body.

Napasimangot ako nang tumayo ako sa harapan ng salamin nang walang kahit anong suot, at nakita ang leeg ko hanggang sa dibdib. Pati nga sa bandang sikmura ay meron. Ang daming marka. Para akong pinapak. Paano ko ngayon 'to itatago?

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now