Chapter 11

7K 337 36
                                    

"SWEETIE, ARE you okay? You've been spacing out since morning. Does it hurt?"

Natauhan ako mula sa pag-iisip nang malalim at napatingin kay Eve na nag-aalalang nakatitig sa akin. Malambing pa ang pagkakatanong niya sa akin. May hawak pa siyang dough sa kamay niya dahil nagb-bake nga pala siya ng cookies at sumama ako rito sa kusina.

"Okay lang." Napakamot ako sa kilay nang naghihinala niya akong tinitigan. Kasalukuyan akong nakaupo sa counter habang pinapanood siyang magbake.

She's only wearing a pink sando and a white pajama that looks cute on her but perfectly fits her sexy curves. Hindi kasi siya pumasok sa trabaho. Isa pang napansin ko sa kanya ay lagi siyang naglalaan ng oras para sa akin kahit gaano pa siya ka-busy.

"What is it?" She asked with authority.

"Wala nga."

"Polaris, tell me. What's bothering you, hmm?" She asked in a sweet tone. Parang bigla naman akong nanghina sa tono palang ng boses niya. How can someone be so sweet and caring?

"'W-Wag kang tatawa." Pangunguna ko dahil kilala ko siya. Siguradong tatawanan niya ako kapag nagtanong ako.

Ang suspicious kasi talaga ni Eve minsan. I've been thinking about it for the past few days since we got home. Isang beses lang namang nangyari iyon pero... napapaisip pa rin ako.

"Ano ba 'yon?" Seryoso niya akong tinignan.

"M-May tanong ako." Nautal pa ako at ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa naalala. Oh, my Heavens.

"Yes, what is it?" Nilagay niya na sa oven 'yung tray at nagtanggal ng apron. Tinupi niya iyon nilapag sa isang tabi.

"H-Hindi na ba ako... virgin?" Mahinang tanong ko pero alam kong narinig niya dahil napatitig siya sa akin, halatang hindi inaasahan ang tanong ko.

Umawang bahagya ang mga labi niya na parang pinoproseso sa isip ang tanong ko. Halos hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan habang nalilito ang mga titig na binibigay.

"What?" Nalilitong tugon niya kaya wala sa sariling napakagat ako ng ibabang labi.

"N-Nung pinaliguan mo 'ko!" I blurted out, feeling uncomfortable. Nagtakip na ako ng mukha gamit 'yung isang tray na malinis na napulot ko dahil sa hiya. "N-Nahawakan mo, eh." Mahinang dagdag ko at bahagyang binaba ang tray para masilip siya.

"Oh, my Gods." Napatakip siya ng bibig at halos hindi makapagsalita. Namula rin ang magkabila niyang pisngi nang maalala ang nangyari. "I did not touch such private parts, okay?"

"N-Naramdaman ko!" Pagkontra ko pa. She displayed an expression as though I'm unbelievable.

Para siyang nagpanic. "I only saw---I-I mean, I did not!"

"Oh, kita mo." Napasimangot ako at niyakap ang sarili habang maingat pa rin sa kaliwang braso ko dahil may hapdi pa rin.

Hindi na ba talaga ako virgin? G-Grabe naman 'yon. Nung nakaraan ko pa talaga iniisip kaya tuwing nakikita ko siya ay nahihiya ako. Dapat talaga ay nung nakaraan ko pa itatanong pero hindi ko magawa.

"Oh, Heavens, how should I explain this." Rinig kong bulong niya at halos manigas ako sa kinauupuan nang lumapit siya sa akin.

Inalis niya ang tray na hawak ko at binaba sa may gilid. Masama ang tingin na sinalubong ko ang mga titig niya habang nakaupo ako rito sa may counter. Her warm presence somehow eased the inappropriate thoughts, but I can feel the burning tension between us.

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now