Chapter 18

6.3K 287 49
                                    

"ANONG... GINAGAWA mo?" Naguguluhang tanong ko kay Eve nang mahuli siyang nakatitig lang sa akin nang mariin habang gumagawa ako ng activities na ipapasa bukas.

She's staring at me as though she cannot see anything but me. As if I'm the only one interesting in her eyes, and as if I showed her something that she continuously craves for.

"Staring at you until you realize that you have feelings for me." She smiled wickedly and rested her chin on her palm. Naningkit ang mga mata niya at at ramdam ko ang panunuot sa balat ko ng mga titig niya.

Magkatabi lang kami rito sa study table at siya naman ay prenteng nakaupo lang. Kanina ko pa siya sinasabihan na pwede na siyang matulog dahil kauuwi niya lang galing sa trabaho, pero sa akin talaga siya dumiretso.

She's clingy. Sobra.

"Bakit 'di mo gawin trabaho mo instead na titigan ako?" Suggestion ko nang magbawi ng tingin pero napapalatak lang siya.

"I've been working all day, baby. I need my energy, of course." She protested like a kid and leaned closer to me.

"Magpahinga ka na ro'n sa kwarto mo."

"Ayaw mo 'kong katabi?" She asked after seconds of silence. She looks hesitant but still trying her luck. "Matulog?"

Sinamaan ko siya ng tingin at sandaling hininto ang ginagawa. "Nung huli tayong natulog nang magkatabi, halos masakal ako sa yakap mo." I pointed out that made her silent for seconds, looking guilty.

"I'll behave, promise." Pagpupumilit niya at ngumiti pero hindi ko siya pinansin. Tinaas niya pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Okay, hindi pwede." Great. Mabuti at na-gets niya.

"Would you like me to help?" Alok niya at kinuha ang isang libro kung saan nasa page ng activity at pinasadahan ng pagbasa. "I can do all these so you can rest now, sweetie."

"Hindi na. Kaya ko naman." Sagot ko nang hindi nag-aangat ng tingin sa kan'ya.

Malapit naman na akong matapos dito sa sinasagutan ko kaya isusunod ko na lang 'yung nasa hawak niyang libro.

So far, maayos naman ang mga nakaraang araw na kasama ko siya. She always display that lively and colorful personality in front of me, but indifferent in front of other people. She's silent to them, nonchalant. Ilang beses ko kasi siyang nakikitang nakipag-interact sa ibang tao pero ni pagngiti ay hindi niya maipakita sa kanila.

Samantalang sa akin ay napakakulit. Ang dami niyang kinukwento at hindi lilipas ang isang araw na hindi 'yan kakapit sa akin. She keeps on giving me gifts, spends time with me, compliments me all the time. Lahat ng salitang sinasambit ay laging may paghanga, at maaliwalas tignan sa kan'ya.

She's still a woman of mystery, but it felt like, I'm starting to see her for who she is. I like it. It makes me comfortable because I really dislike the idea of being with someone who pretends to be someone whom she's not.

I do appreciate every effort she exerts. Hindi naman din kasi biro ang trabaho niya kaya mas nakakagulat na may oras pa siya para sa akin. She's not trying to impress me; her personality alone is what fascinates me.

"Okay, I'll wait." She slowly tapped her fingers on the table and pulled her chair closer to me. Umayos na rin siya ng pagkakaupo sa tabi ko kahit na hindi pa siya nakakapagbihis. She's still wearing her business attire. "Just let me adore you from this distance."

Makulit siya. Sobrang kulit. I never thought that she has this side. Sobrang clingy na kulang na lang ay pati sa pagligo ay sumama siya— which is a no for me.

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now