Chapter 6

5.7K 324 61
                                    

GALIT PA kaya siya?

Huminga ako nang malalim dahil sa naisip dahil parang nasasakal ako. Ilang araw na kasi ang nakalipas at talagang hindi ako kinakausap ni Eve. Nagalit talaga yata sa akin dahil kasalanan ko rin naman. Nakaka-guilty na masyado ang sobrang pananahimik niya at hindi ako sanay.

Nagkikita naman kami sa mansyon, pero mas madalas siyang nandoon sa restaurant niya, bar, o kaya sa office niya. Subsob sa trabaho. Ni hindi ko nga siya makausap dahil laging nagmamadali, pero ang nakapagtataka pa ay minsan umuuwi talaga siyang may kung anong sugat sa katawan.

Saan ba siya nagpupunta na parang laging sumasabak sa laban?

Nakaka-frustrate, in fairness. Kasalanan ko rin naman, kaso hindi talaga siya nakinig sa akin. Ilang araw na akong nakakatanggap ng cold treatment galing sa kanya na parang ang laki ng kasalanan ko.

Okay, I don't mean to invalidate her feelings. Kahit pa maliit na bagay o malaki 'yon para sa kanya, valid pa rin 'yon. Pero kung kinausap na niya kaya ako para ayos na kami?

Dapat bang suyuin ko pa? Kausapin? Bakit? Ni hindi nga yata kami magkaibigan, eh. Sinusuyo pa ba ang kaibigan? Nakakapagod na mag-overthink.

"Girl, ang lalim naman niyan."

Natigil ako sa pag-iisip nang walang habas na naupo sa tabi ko si Andrew na talagang inakbayan pa ako at prenteng nagdekwatro.

"Nasa'n 'yung pusa?" Tanong ko habang nakahalukipkip at sinulyapan siya.

"Anong pusa?"

"Si Claire. Ikaw 'yung aso, e." Pasimpleng inirapan niya pa ako dahil sa tanong ko.

He doesn't look like he likes men because of the way he act. Mukha siyang straight. Ang masculine niya rin naman kami at laging pormal kung manamit.

"Ewan ko do'n. Bahala siya. Nakaorder ka na ba?" Tanong niya at tumawag ng waiter para sa order.

Siya na ang nagdesisyon para sa order dahil ang dami ko nang iniisip. Sinabi ko na lang din na bilhan niya si Claire dahil siguradong gutom 'yon pagkatapos ng class niya. Ako naman ay may last subject pa, vacant lang ngayon.

Buti na nga lang din ay wala dito sa coffee shop niya si Eve. Baka nandoon siya sa restaurant dahil maraming tao ro'n lagi. Nakakahiya namang makita siya basta dito lalo na't nakakapanindig balahibo ang mga titig niya.

Nang matapos siyang makaorder ay umakbay ulit siya sa akin at nagdekwatro. Hindi ko na lang pinansin dahil gawain niya talaga 'yan. Clingy. Kaya lagi kaming napagkakamalan na in a relationship.

"May chismis ako sa'yo, beh." Bulong niya sa akin at hinarap pa ako.

"Oh?"

"Naalala mo 'yung nambubully sa'yo dati na sinabihan kang malandi kasi nagkagusto sa'yo boyfriend niya?" He asked with hand gestures. Basta talaga chismis.

"Ano nangyari?" Tanong ko pa rin kahit na hindi naman ako interesado.

"Ayon, buntis. Nagdrop out. Ni-ghost nung jowa niya." Simpleng sagot niya at napailing pa kaya natigilan ako.

"Talaga?" Kunot-noong tanong ko at sumandal sa kanya dahil kanina pa ako nanlalata.

"Oo, tapos alam mo ba, may scandal---!"

BLAG!

Parehas kaming napaigtad at natigil nang may maglapag nung inorder niya sa harapan namin, at talagang padabog pa! Masyadong marahas. Nag-angat ako ng tingin kung sino 'yon at kakausapin sana nang matigilan ako sa mga matalim na titig na bumungad sa akin.

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now