"ANG GANDA nung tattoo mo." Papuri ko habang pinagmamasdan siyang magtali ng mahabang buhok habang nakatalikod sa akin kaya nakikita ang makinis at maputi niyang leeg. "Ano ibig sabihin niyan?" Turo ko pa doon.
Naka-indian sit ako sa kitchen counter habang siya naman ay magluluto raw ngayon ng lunch namin. Minsan lang kasi magpunta ang mga maid, mostly ay para lang talaga maglinis. Okay lang naman din na dito ako maupo, sabi niya.
Humarap siya sa akin habang nagsusuot naman ng puting apron. Ang sexy niyang tignan habang nakatayo sa harapan ko lalo na't sando lang at suot niya at 'yung white slacks niya dahil umalis siya kanina. Nakakahiya tuloy.
"It's a sin." Kinuha niya ang kawali at sinalang sa stove.
Tumabi naman siya sa akin habang naghihiwa sa chopping board. Namangha pa ako sa bilis ng paraan niya ng paghihiwa na halos hindi ko masabayan. Ang expert niya siguro sa paghawak ng mga kutsilyo. Wala talaga akong alam sa pagluluto, kaya ang saya niyang panoorin.
She looks perfect. Wala talaga akong makitang flaw sa kanya sa mga nakalipas na araw na nandito ako nakatira. Is that even possible? Everyone has their own imperfections, but Evion seems to be molded by the Gods themselves to be perfect.
"Anong kasalanan?"
"Gluttony." Simpleng sagot niya at kinuha 'yung raw pork. Kumuha na rin siya ng malaking kutsilyo at tinignan niya pa muna kung matalim ba.
"Huh? Malakas ka ba kumain?" Nagtatakang tanong ko. Sa tingin ko naman ay hindi dahil lagi naman kaming sabay kumakain at sakto lang. Ni hindi nga siya madamot.
She chuckled at my answer and took a quick glance over me. "Silly. Hindi ako."
"Ah. Sino?"
"No one, sweetie." She sweetly said. She's been calling me with such endearments and I'm not really used to it. Baka ganyan lang talaga siya sa lahat ng kilala niya. Malambing. "It is the symbol of my sin."
Humalukipkip ako at kinuha 'yung sibuyas para paglaruan. "Bakit mo naman naisip na kasalanan mo 'yan?" Pag-uusisa ko at binaba ang mga paa habang hinihintay ang sagot niya.
"Because..." She trailed off her sentence. Pabalik-balik pa siya sa kalan at sa tabi ko para maghiwa. Pwede naman siyang doon na lang maghiwa pero gusto yata akong katabi.
Nahinto siya sandali sa ginagawa at pinagkatitigan ako na parang may naiisip. I returned the intense stare. Naningkit pa ang mga mata niya sandali pero agad din napangiti na mukhang excited sa naisip niya.
"Why don't we get married so I can tell you everything? Hmm, how's that? Not bad, right?"
Eh?
Naiwan akong walang masabi dahil hindi ko alam kung mali lang ba ako ng rinig o... nagbibiro ba siya. Pero mukhang seryoso siya. Anong get married naman ang sinasabi niya?
Isa pa 'yan sa mga napansin ko sa kanya. May mga sinasabi siya na siya lang yata ang nakakaintindi. Hindi ko na nga lang pinapansin minsan dahil baka gano'n lang talaga siya magbiro sa lahat.
"Kalokohan mo naman, Eve." Binato ko sa kanya 'yung hawak kong sibuyas pero mabilis na nasalo niya naman.
Tumaas ang isang kilay niya. "Mukha ba akong nagbibiro?" Turo niya pa sa sarili habang seryoso ang ekspresyon.
Seryoso nga siya at walang bakas ng pagbibiro sa maganda niyang mukha. Halos magsalubong pa nga ang perpektong hugis ng kilay niya at ang mga mata niya naman ay nagtatakang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomanceSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...