"GOOD MORNING." Nakangiting bati ko kay Eve nang makitang pababa na siya ng hagdan habang nagkukusot pa ng mga mata sa antok.
Mukhang katatapos niya lang maligo at kulang pa sa tulog dahil nanlalata ang itsura niya. Mabagal din ang pagkilos niya at kahit na hindi siya magsalita ay ramdam ko naman. 7am naman na.
"Morning, sweetie." She drowsily greeted and once again, I froze in my place when she hastily grabbed my arm and leaned down to give a light kiss on my forehead. "Papasok ka na ba? Hatid na kita."
"Bakit hindi ka matulog pa?" I asked instead. Antok na antok ang itsura niya. Hindi naman nakabawas sa kagandahan niya, pero nanlalata talaga siya. Puyat siguro.
"Sorry, I'm not really a morning person." Humikab siya at nag-stretch ng mga braso. Ang ganda niya.
"Wala ka naman yatang gagawin. Matulog ka pa, oh." Hinawakan ko siya sa braso at akmang papabalikin sa kwarto niya nang hindi siya gumalaw.
"No need. Nag-alarm talaga ako so mahahatid kita." Naniningkit ang mga matang tugon niya.
"Pwede akong magcommute." Suggestion ko at nag-iwas ng tingin dahil kinokontra ko na naman siya. "O kaya pahatid sa driver kung ayaw mo."
Isa pa 'yan sa napansin ko sa kanya. Mas gusto niyang lagi akong hinahatid o sinasamahan sa kung saan-saan. Okay lang naman sa akin kasi mukhang gusto niya talaga gawin iyon, pero ang alam ko talaga ay marami siyang ginagawa. She has tons of work and yet, she always accompany me as though she's never busy.
Maraming ginagawa, pero bakit lagi kaming magkasama?
"Nagbreakfast ka na ba?"
"Oo. May tinapay naman."
She nodded her head and combed my hair upwards using her fingers. "Good. Ayaw mo ba ng rice or something else? I'll cook for you." She volunteered but I shook my head.
"Hindi na. Papasok na rin ako. Ikaw ba? Kain ka na." Pag-aaya ko pero umiling lang siya.
"Pag-uwi ko na lang." Umalis siya sa harapan ko at mukhang kumuha pa yata ng susi kaya sa main door na lang ako naghintay.
For the past days that I'm here, staying in her grandiose mansion, everything's fine. Medyo weird lang talaga siyang kausap minsan dahil may mga bagay siyang sinasabi na hindi ko maintindihan, pero okay naman siyang makitungo.
Sobrang bait nga sa akin at asikaso ako sa lahat ng oras. As in sa lahat ng oras. Kulang na nga lang ay pati sa pagtulog ay sumama siya dahil may pagka-clingy. I'm not used to affection, pero dahil sa kanya, mukhang masasanay ako.
Saka nagtataka lang din ako dahil may isang pinto sa second floor ng mansyon na ayaw niya akong papasukin. Lagi pang naka-lock, kaya nakaka-intrigue malaman kung anong meron sa loob. 'Yung theatre room din ay napakalaki at ang ganda. Minsan ay doon kami nanonood.
"Polaris, here." Pagtawag niya sa akin nang makabalik siya kaya nilingon ko siya.
What?
Kumunot ang noo ko nang makitang may inaabot na naman siya sa aking paper bag. Ano na naman ba 'to? Lahat na lang ng pwedeng ibigay ay binibigay.
"Kung ano man 'yan, ayoko." Agad na pagtanggi ko kahit na hindi ko pa nakikita.
Tumaas ang isang kilay niya sa mataray na paraan. "And who told you that I'll accept such rejection?" She smiled that seems to be dangerous. Her eyes immediately darkened and I was left with no other choice but to accept it.
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomanceSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...