"EVE, SIGURADO ka ba na okay lang? Ano, nahihiya ako." Kinakabahang pag-amin ko nang makitang malapit na kami sa isang resort para i-celebrate ang birthday ng inaanak niya raw.
Malawak ang daanan at nakikita ko na ang dagat habang nag-drive siya. Hindi na namin sinama si kuya dahil maghahanap na raw siya ng lovelife niya dahil sayang naman daw ang looks niya kung wala siyang maa-attract. Hinayaan naman namin siya ni Eve dahil deserved niya rin na sumaya. I am grateful to him because he never left Eve, even when everyone turned their backs on her.
"Yes, of course, baby. You're my wife. It's not like they're actually bad people." Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon. I felt the warmth of her hand and it immediately brought a feeling of security. "They are worse than bad."
Napasimangot ako lalo sa narinig sa kan'ya kaya natawa siya sa akin at sinulyapan ako. Nasasanay na lang din ako na gan'yan niya ilarawan ang mga kaibigan niya. She uses words that are intense to give an emphasis on how cruel they are.
Nilingon ko siya at nakita na may maliit siyang ngiti sa mga labi. It gave me peace. Maaliwalas ang itsura niya at nakikita kong masaya talaga siya ngayon. She's getting better, and I couldn't ask for more but to be with her.
It's been months since we started to live together again. Hindi naman ako naiilang kahit na hindi ko pa siya maalala noon dahil mahaba ang pasensya niya sa akin. She's patient, even when I make mistakes. She never raised her voice to me and she deeply cares for me. She's taking care of me very, very well.
I really love my woman.
"They are not bad, okay? Uhm, kind of weird lang, baby." She reassured me while caressing my hand using her thumb.
I let out a sigh of contentment when I saw how the glorious sunrise perfectly reflected on her ethereal beauty. I am totally captivated. She never fail to do so.
"Paanong weird?"
"Their behaviors are deceiving, and they have this habit of enjoying some... things." Hindi siguradong sagot niya kaya natahimik ako sandali. Kung si Eve nga ay medyo weird pa sa paningin ko, paano pa kaya 'yung iba? Well, weird in a good way naman siya.
Nang makarating sa resort ay nag-park siya ng kotse at naunang bumaba para pagbuksan ako. Nang makababa ako ay magaan niya akong hinalikan sa mga labi at hinaplos sa buhok. I love how those small gestures were full of gentleness. Hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pagiging maingat niya sa akin.
Hinapit niya ako sa baywang at naglakad kami papasok sa loob. Her possessiveness didn't change. She still loves being selfish to the world if it comes to me. She never like sharing.
Bumungad sa amin ang dark na theme ng birthday kaya nagtaka ako. Mostly ng nakikita kong kulay ay black and red, almost a gothic theme. Is this actually a birthday party for a four year-old kid? Masaya naman at buhay na buhay ang musika, pero nakakakaba pa rin sa bigat ng presensya ng mga tao.
May nadaanan kaming garden na paikot at mula sa kinatatayuan namin ay napangiti ako nang marinig ang alon mula sa dagat. Malamig ang panahon ngayon at payapa sa pakiramdam. It feels like this is the perfect time and perfect place for this occasion.
Inikot ko pa ang paningin sa paligid at nakita ang mga lamesa na nakabalot sa pulang tela habang ang mga lobo at mga decoration ay gano'n pa rin ang kulay, na itim at pula. Konti palang ang tao.
There we saw a woman who's fixing the decorations and gifts. Nakasuot siya ng salamin at kahit na naka-side view ay napalunok ako nang maramdaman ang bigat ng presensya niya. I swear, I've never felt anything this heavy and majestic. This is worse than Eve and anyone else!
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
Roman d'amourSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...