Special Chapter 2

5.3K 203 29
                                    

"OMG, MY PRETTY, adorable, most precious gift I ever had!" Nakangiting salubong ni Evion sa anak nila ni Polaris nang sunduin niya ito sa school.

Excited na pinuntahan niya ang anak at napapatingin ang mga tao sa kanila dahil lakas ng pagkakasabi nito. Evion is beyond happy. She will do anything to protect the precious gift they have.

Nakasimangot ang anak niya nang buhatin niya ito at paghahalikan ang buong mukha sa panggigigil. Inaamoy siya ni Evion at hinalikan sa dibdib at leeg para panggigilan. "Mommy, am not kid." Ungot nito habang yakap siya sa batok. "Am five na. Five!" She argued while showing her hand.

"Oh, dear." Evion chuckled with happiness. "You are my baby. Dalawa kayo ni mama mo. Kiss nga." Pangungulit niya sa anak na humalik naman sa labi niya. "How was the first day of school? Did you make friends?" Masuyong tanong niya rito habang naglalakad siya palabas na ng school.

Evion is still burdened with so much work to do but she always make sure to have a time for her family. She's making time for them because they are now her priority.

She's giving her daughter everything. She's treating her the way she was not treated by father. She's giving her so much love and affection because she does not want her child to suffer the same way she did at the hand of her domineering father.

She is now free.

"May kaaway ako, mom." Kwento ng anal niya kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"What?!" Gulat na tanong niya at kinabahan. Kumabog ang puso niya sa pinaghalong takot at pangamba dahil sa narinig. "Who? Bakit ka may kaaway agad?" Nalilitong tanong niya. It's just the first day of school and yet, she already made an enemy.

Nakasimangot ang anak. Namana nito ang matalim na mga mata ni Evion at maging ang attitude nito. Pero, kung ngumiti ito ay parang si Polaris. Her chocolate brown eyes are definitely captivating.

"She said, kids are gullible and all we know is to sing stupid songs." Nakangusong sumbong nito kay Evion na sinakay siya sa passenger's seat na puno ng ingat. "I argued with her, of course." She said with confidence. Parang normal na bagay lang ang ginawa nito.

"Who's this person? Classmate mo?"

"No, mom." Humalukipkip ang anak niya matapos na isuot sa kan'ya ang seatbelt. Para itong matanda sa paraan ng pagsasalita nito. "She's in high school."

"A what?!" Muling gulat na tanong ni Evion at binalingan ng tingin ang anak nang makasakay siya sa driver's seat. "You argued with a high school student?" She asked, confused. Bigla siyang nalito dahil nasa elementary palang ang anak niya, at ito ang unang beses na pumasok ito sa eskwelahan.

"Hm-mm." Simpleng sagot nito. Her daughter skipped kinder and is currently in Grade 2 because she excelled in her age.

"She's really my daughter." Natatawang bulong ni Evion sa hangin habang nagda-drive. "Are you okay? Did she hurt you? What happened?"

"Inawat ako ni teacher, mom. Hmp." May tono ng tampo na sagot nito.

Napanganga si Evion sa narinig dahil imbes na ang mas matanda ang awatin, ay anak niya pa ang inawat ng guro nito. Napailing siya at kinagat ang ibabang labi dahil kahit gustuhin niyang ituro na tama ang ginawa nito, ay magagalit naman ang asawa niya.

"Baby, fighting back isn't so good, okay?" Pangaral niya rito sa kalmadong boses.

Ayaw niyang sinisigawan ang anak sa kahit na anong paraan dahil ayaw niyang matakot ito sa kanila. She wants her daughter to feel like she can trust them, her parents. They want her to feel that she's valid and they will always do what it takes just to keep her safe. They want her to grow up in a family full of love.

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now