Chapter 16

5.4K 325 80
                                    

"POLARIS, WAIT." Mabilis na pagpigil sa akin ni Eve nang akmang lalabas na ako ng main door ng mansyon.

Hinarap ko siya at agad niya namang sinalubong ang mga titig ko. "Ano 'yon? Nagmamadali ako." Inalis ko pa ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.

Umigting ang panga niya at dumilim ang mga mata dahil sa ginawa ko pero agad din nawala nang kalmahin ang sarili. "Don't you have any minute for me?"

"Evion, may klase pa ako. Kung ano man 'yan, mamaya na." Paalam ko pa at akmang tatalikod na nang mahatak niya ako pabalik!

Nahigit ko ang hininga nang makitang galit siya. "This is the last, Polaris." May diing sambit niya at nilapit ang mukha sa akin. I was taken aback when I felt her minty warm breathe on my face.

"I'm tired of you, avoiding me and acting like I never exist in your life. This is the last. You and I will take later." Maawtoridad na sambit niya at pinagkatitigan ako. Matalim ang titig sa mga mata niya. She's getting mad. "And you will obey." She added.

Tumango ako at muling inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Okay." Walang ganang sagot ko bago siya talikuran para makaalis na.

Nagmamadaling sumakay ako sa kotse para ihatid ako nung driver ni Eve dahil alam niyang hindi ako magpapahatid sa kan'ya. Totoo namang malapit na akong ma-late sa klase dahil late akong nagising. Napuyat ako kaka-review kagabi. Buti nga at may oras pa naman. Sa university na lang din ako kakain ng agahan.

Nung nakaraan lang ay nakilala ko ang kapatid ni Miss Romano. Si Kuya Azter, 'yon na lang daw ang itawag ko sa kan'ya. Ang ganda ng mga names nila. Ngayon lang pala siya nakauwi dahil matagal daw nagstay sa Spain. Parehas silang Professor, actually. Passion nga siguro nila ang pagtuturo kahit na sobrang yaman ng angkan nila.

Mabait naman sila. It was a nice dinner with them. Buti nga at wala namang ibang sinabing weird bukod sa panay ang ngiti nila sa akin. Welcome daw ako sa kanila any time, tutal bakasyon din naman ni kuya rito.

Ang kaso, hindi ko nasabi kay Eve. Hindi niya naman na siguro kailangang malaman ang bagay na iyon. Saka, parang ayaw niya kay Miss kahit na nananahimik naman sila.

"Thank you po." Pasasalamat ko sa driver nang makarating sa university at makababa ako. Dali-daling tinakbo ko ang daan patungo sa first subject namin para hindi ako mahuli.

Tinakbo ko na ang daan para umabot pa ako dahil strikto pa naman ang first subject namin. May quiz din kami ngayon kaya hindi pwedeng late dahil baka hindi na ako makapag-take! Sayang naman dahil doon ako napuyat kaka-review. Nakakakaba.

Pero, sakto namang paakyat na ako ng hagdan nang may marahas na humatak sa braso ko mula sa likod! Nawalan ako ng balanse kaya ang nangyari ay---

BLAG!

"Aray!" Sigaw ko sa sakit nang mahulog ako sa hagdan!

Naunang tumama ang likod ko kaya napadaing ako sa sakit. Halos maiyak ako sa hapdi dahil sa kirot sa bandang balikat ko dahil medyo mataas ang kinabagsakan ko!

Ramdam ko ang kirot no'n na parang pinupukpok ang laman ko. It's excruciating. Naiiyak ako sa sakit at hapdi at hindi ko maigalaw. I tried to relax and shut my eyes close, but to no avail.

Masakit!

Dumadaing sa sakit na umupo ako dito sa kinabagsakan ko at binalingan ng tingin 'yung humatak sa akin na nangmamaliit ang tingin. Grupo sila ng mga babae na tinatawanan ako na akala nila ay nakakatuwa ang ginawa nila.

Ang hapdi. Kainis!

"Nakakatuwa ba 'yon? Bakit niyo ginawa? Anong problema niyo?" Inis na tanong ko nang makatayo ako. Hindi ko maigalaw ang kaliwang balikat ko sa sobrang hapdi!

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now