"NAGUGUTOM AKO, sabay na tayo kain ng dinner, Star." Pagod na pag-aaya ni Claire na kumapit sa braso ko.
"Saan ba tayo kakain? Sabay na natin si Eve, gusto mo?" Alok ko sa kan'ya nang maalalang inaaya niya rin ako ng dinner sa restaurant niya.
Sukat naman doon ay napangiti si Claire sa paraan na nakakaasar. Tinaas-taas niya pa ang dalawang kilay at nagpunas ng pawis niya.
"Uy, mukhang mag progress kayo, ha." Nakangiting tukso niya at talagang sinundot pa ako sa tagiliran. "Ano na bang ganap sa inyo? Hindi ka naman kasi nagk-kwento sa love life mo."
"Ayos lang." Tipid na sagot ko kaya napalabi siya.
Tinapos na niya 'yung nililigpit niyang mga gamit bago ako harapin. Katatapos lang ng practice ng archery at ng dance club na sinalihan niya. Halos sabay lang ang schedule kaya sumabay na siya. Si Andrew naman ay walang class ngayong araw kaya hindi namin siya kasama.
Binitbit na ni Claire ang mga gamit niya at saka sumunod ulit sa akin. Nakapagbihis naman na siya at nag-ayos pa bago sumama sa akin.
"Susunduin ka ba ulit ngayon? Sabay na ako, ha. Hindi ako masusundo ng driver namin." Pakiusap niya kaya tumango na lang ako. Sabay ko na lang siya pag-uwi namin ni Eve. "Ang tahimik mo. Ano bang meron?"
Walang gana ko siyang tinignan bago ibalik ang tingin sa daan. "Wala."
Konti na lang ang mga estudyante na dumadaan dahil gabi naman na. Halos karamihan ay pauwi na dahil madilim na sa daan, saka masama pa ang panahon. Kanina pa umuulan, at mabuti nga ngayon na tumila na.
Mahinang tinapik niya ang braso ko. "Tigilan mo 'ko d'yan sa wala na 'yan. Meron 'yan. Ano?"
Tama naman siya. Ang hirap palang magtago ng sikreto sa kan'ya dahil sa ilang taon naming pagkakaibigan ay kilala na niya ako.
Hanggang ngayon talaga ay napapaisip ako sa sinabi ni Ms. Romano tungkol kay Evion. Ilang araw na rin ang nakalipas simula no'n at maayos naman kaming dalawa ni Eve. Nagkakaro'n pa nga kami minsan ng argument sa maliliit na bagay dahil ang tigas ng ulo niya. Ayos lang naman sa akin dahil naaayos din agad.
Saka, hindi naman mahirap kausapin si Eve. Basta magsabi lang ako sa kan'ya ay handa siyang makinig. Kahit nga sa madaling araw ay gigising siya para lang matignan kung maayos ako.
Maayos naman ang panliligaw niya. She always makes me feel that I mean so much to her. Mula umaga paggising hanggang sa pagtulog ay sinisigurado niyang maayos ako. She always prioritize me over anything else.
My happiness is her priority, and I am indeed happy to be with her.
Pero, hindi ko pa rin magawang itanong sa kan'ya kung ano ang kasalanan niyang sinasabi ni Miss. Hindi naman sa natatakot ako, pero ayokong pilitin si Eve kung hindi siya komportable sa bagay na iyon.
Everything is going placidly... and I can't deny how I started to see her differently.
"Tungkol lang kay Eve."
"Oh, ano? Sinasaktan ka ba? May ginagawa ba sa'yo?" Salubong ang kilay na tanong niya kaya napailing ako.
Kung ano na naman ang naisip niya. Alam niya kasing nanliligaw sa akin si Eve, dahil siya mismo ang nagsabi sa kanila.
"Sira ka, walang gano'n." Hinatak niya ako sa dulo para siya ang maglakad sa may gilid kung saan may mga dumadaang mga sasakyan. "Parang ang dami niya lang sikreto."
I stared at the night sky. It is pitch black, and I suddenly remembered her again. Her darkness is indeed beautiful, just like the night. She's fascinating even with those broken pieces that she have.
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomanceSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...