NAGISING AKO nang maramdaman ang marahan at pamilyar na paghaplos sa pisngi ko gamit ang isang mainit na palad. Parang nag-iiwan pa ito ng bakas sa balat ko, at sa bawat pagdampi ay puno ng pag-iingat.
Kumunot ang noo ko at unti-unting nagmulat ng mga mata. Pero, isang pares din ng madilim na mga mata ang sumalubong sa paningin ko, na parang kanina niya pa ako pinapanood matulog.
What...
Napabalikwas ako ng bangon bigla sa gulat nang maalala kung ano ang nangyari kagabi. Siya 'yung nananaginip nang masama, pero bakit ako na ang komportableng nakahiga sa kama at siya ang prenteng nakaupo sa gilid na parang ako ang pinapakalma?
"Hello, cara. You look pretty. Good morning." Seryosong bati niya sa akin at hindi man lang siya ngumiti tulad ng lagi niyang ginagawa. "Sorry. Nakaupo ka kasing matulog. I figured out it's uncomfortable for you, so binuhat na kita." Masuyong paliwanag niya.
"Akala ko ba hindi ka morning person?" Nagkukusot ng mga matang tanong ko dahil siguradong maaga pa.
Umayos ako ng upo kaya bumaba ang comforter na tumatakip sa katawan ko. She gently nodded her head. Ngayon ko lang din napansin na malalim ang mga mata niya at halatang napuyat.
Mapungay pa ang mga mata niya at may bakas doon ng lungkot. She's staring at me as if I brought the light in her life. She cannot deny that glimpse of something in her dark eyes.
Pero, sukat doon ay bumaba ang tingin ko para sana mag-iwas ng tingin. I gulped when I realized that she's only wearing a gray bathrobe and an underwear! Ang aga-aga, magkakasala pa yata ang mga mata ko. Paano ba naman, hindi nakaayos 'yung pagkakatali kaya nakikita 'yung cleavage niya.
"I can't sleep na. Nightmares won't stop torturing my mind." Matamlay na umiling pa siya at humalukipkip kaya inaantok na sumandal ako sa headboard ng kama. "Thank you, Polaris."
"Para saan?"
"I was able to sleep, even for awhile." She forced herself to smile. Matamlay pa rin ang itsura niya at halatang pilit ang ngiti. "You made me calm... utterly calm." She whispered the last part and I wasn't able to hear it.
"Tungkol saan ba nightmare mo? Gusto mo pag-usapan?" Alok ko at lumapit sa kanya para tapikin siya sa balikat. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kahina dahil madalas ay nakatago ang lungkot sa mga ngiti niya.
"I'm being chased by the sins I committed." Walang emosyong bulong niya at lumunok na parang nahihirapan. "I... I-I cannot escape. I am locked up. I am totally despicable."
Umiling ako para kumontra at tumayo na sa harapan niya. Napatingala siya sa akin at nagulat siya nang bigla ko siyang yakapin habang nakasiksik siya sa leeg ko.
A hug can make someone feel better.
"Shh..." Marahan ko siyang hinaplos sa likod kahit na hindi sigurado sa ginagawa, para aluin siya.
Based on her deep words and painful expression, she seems to be in a complete agony. Hindi ko alam kung makakatulong ba 'yung yakap, pero sana lang.
"Stop hating yourself." Kahit alanganin ay hinaplos ko siya sa makinis at malambot niyang pisngi. Tumugon naman siya sa pamamagitan ng pagyakap sa baywang ko. "Shh... it's okay."
Sumiksik siya lalo sa akin at mabibigat ang hiningang pinakawalan na parang nahihirapan. Ramdam ko ang mahigpit na kapit niya sa damit ko dahil ayaw akong pakawalan. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa, pero natigilan nang bigla siyang mag-angat sa akin ng tingin.
Napalunok ako nang makitang madilim ang tingin sa mga mata niya. Hindi siya nakakatakot para sa akin, pero ngayon ay bigla akong kinilabutan dahil sa mga titig na binibigay niya. I unconsciously gulped with the intense stare.
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomantizmSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...