Chapter 15

5.5K 283 104
                                    

"I DON'T UNDERSTAND," Walang ganang bulong ni Evion habang nakasandal sa swivel chair na kinauupuan at kumakain ng marshmallow.

She's sitting lazily, showing no interest to everything. Walang buhay ang mga mata nito dahil sa paulit-ulit na pag-iisip kung anong mali. Polaris has been distant to her ever since that day. She cannot comprehend the reason why, and it's frustrating her more than anything that ever did.

"Understand what, m'lady?" Tobi asked as he crossed his legs. Nakaupo ito sa harapan niya. Inalok siya ni Evion ng kinakain pero magalang na tumanggi siya.

"I don't understand why she seems to be avoiding me," she heaved a sigh, looking helpless. Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri.

"Why would she?"

"I don't know." Sumubo pa ito sa kinakain para kumalma kahit papaano. "Is it because she saw what I did? Binalian ko lang naman sila ng buto. Nothing serious." She defended herself from what seems an invalid reason.

Nothing serious. Umismid si Tobi dahil sa narinig kaya sinamaan siya ng tingin ni Evion. Dalawang tao ang binalian nito ng buto na parang wala lang. She was triggered. Tobi cannot blame her for acting impulsively.

"Why don't you just ask---"

"I tried! She's avoiding me!" Malakas na hinampas pa nito ang lamesa sa nararamdaman kaya napaigtad ang kaharap.

They're inside her office. Nasa university ngayon si Polaris dahil may pasok. Masyado itong naging abala kumpata dati. Ilang araw na niyang napapansin ang pag-iwas nito sa kan'ya kaya hindi niya ito makausap nang maayos.

Sa tuwing nagkikita sila sa mansyon ay halos magkulong na lang ito sa kwarto para maiwasan lang siya. Ramdam iyon ni Evion kaya hindi siya mapakali kung anong meron.

"She doesn't really want me..." Evion whispered with a spark of sadness in her eyes. Malungkot ang itsura nito at kahit na kalmado ay kakikitaan na may mali rito.

"M'lady, you are literally the Commander of your own Sin." Tobi pointed out and crossed his arms. Hindi niya sigurado kung butler ba siya o love guru. "What's there to be frustrated about? Anong nangyari sa matapang na Evion? Baka naman may ginawa ka na hindi niya nagustuhan?"

Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang napanguso na parang inapi. Naiiyak siya dahil sa frustration. The great, vicious, and hated Commander is on the verge of crying... all because of one girl.

"Wait." Natigilan si Evion nang may maalala siya nung araw na simulan siyang iwasan ni Polaris. She unconsciously bit her lower lip and gulped. "Did she possibly saw..."

"Saw what, M'lady?"

Napatingin sa kan'ya si Evion at kinabahan. "I was... uh... curious. I tried to kiss someone." Kumain ulit siya ng marshmallow dahil sa kaba. Napaayos na rin siya ng pagkakaupo. "Oh, my. Is she jealous?" Wala sa sariling napangiti siya dahil sa naisip.

"Assuming." Bulong ni Tobi kaya naningkit ang mga mata ng kaharap.

"Do you want to die?"

"Just kidding, M'lady." Pagbawi nito at kinakabahang ngumiti. "Are you now a cheater?" Pagbabalik nito sa topic nila kaya nanlaki ang mga mata ng kaharap.

"Hey, I'm not!" Agad na pagkontra nito at humalukipkip. Magpapaliwanag pa sana ito nang matigilan dahil sa naisip niya. "I was really curious. It's her fault. She said I can like them." Paninisi pa nito sa huli.

Commanders and their impulsive actions, all because of curiosity, is definitely a headache.

"Sa kan'ya ka magpaliwanag." Suggestion ng kausap niya.

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now