Chapter 27

5.6K 309 90
                                    

I NODDED my head and smiled a little. "Okay."

She tilted her head to the side out of confusion. Kumunot ang noo niya at tinignan ako nang may pagtataka. Hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ko. "Aren't you scared? Polaris, I just told you that I received an order to kill you."

Nagkibit-balikat ako at hinakbang ang pagitan namin. Hinahangin ang buhok niya kaya mas lalo siyang naging maganda sa paningin ko. Everything feels bearable and calm when I am with her. The warmth of the day embraced us in a comforting sensation.

Mahina ko siyang pinitik sa noo pero nakatitig pa rin siya sa mga mata ko at hindi pinansin ang ginawa ko. "Hindi mo naman gagawin, Eve."

"Are you certain?"

Kinuha ko ang kanang kamay niya at mabagal na pinagsalikop ang mga daliri namin sa mismong harapan ko. Nakatitig lang siya sa akin nang mariin at inoobserbahan nang maigi ang ginagawa ko.

"Kill me, then." I put her soft hand on my chest to let her feel the unusual heartbeat of my heart, and lightly squeezed her hand. "I would love to die in your hands."

Yeah. It sounds strange to hear those foolish words coming from me when I never even thought of it. Dying at this age was never in my choice, but if it's the only way for her to live, then, so be it.

I would love to.

Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Polaris..."

"Hindi naman sa hindi mo kayang gawin, Eve." Hinakbang ko pa ang pagitan namin kaya halos magdikit ang mga katawan namin. "You can do it, but you won't."

I can't read the expression on her face, "How certain are you?"

"Kung gusto mo 'kong patayin, matagal mo na sanang ginawa. You know how helpless I can be." Tinaas ko ang isang daliri. "You've been protecting me from the shadows ever since." Ngumiti ako nang tipid sa kan'ya. "And..." I trailed off my sentence. "...you will never hurt me."

"Why are you so certain?" May pag-aalangan na tanong niya kaya niyakap ko siya sa baywang para pakalmahin siya.

"Secret."

Akmang lalapit siya sa akin para halikan ako pero nilagay ko ang index finger sa daliri niya para pigilan siya. Napalinga ako sa paligid at nakita namang walang nakakakita sa amin dito. "I want a kiss."

"No kissing. Nasa public place tayo." Saway ko sa kan'ya.

Napasimangot siya sa sinabi ko kaya natawa ako. Sumiksik siya sa leeg ko at niyakap ako nang mas mahigpit pa. "Hindi ka galit?"

"Hindi naman." Inaya ko na siya para makapunta kami sa cafeteria dahil hindi pa ako nagb-breakfast sa pagmamadali.

"You should be mad." Pangungumbinsi niya habang naglalakad kami.

Napapatingin sa kan'ya ang mga estudyante dahil kahit na simple ang suot niya ay makaagaw pansin pa rin siya. She's too gorgeous and irresistible. Especially those dark eyes that stares to people as though they're nothing but mere trash.

"You should be hating me now, but..."

She's too worried about it. Pero, kung wala nga siyang magagawa at kailangan niyang sundin ang utos sa kan'ya... ay pwede namang ako na lang ang kumitil sa buhay ko. But, that will definitely put her in a much worse agony. She will undoubtedly take her life as well, to be with me.

"I decided not to doubt you again." Tinuro ko ang nasa menu ng cafeteria nang makarating kami. I should worry about it later. For now, we are together. "Anong gusto mong kainin?"

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now