POLARIS
"TARA NA po, ate." Pag-aaya ko nang matapos ako mag-ayos ng mga gamit ko.
Hindi naman kasi ako nasabihan na ngayon pala ako susunduin kaya hindi ko pa naayos ang mga gamit na dadalhin ko. Kaninang madaling araw lang ako nagsend ng e-mail kay Mr. Tobi, pero hindi naman pala siya sa susundo sa akin.
Tinitigan niya ako nang mariin nang harapin ko siya kaya nagtaka ako. "Evion." Pagtatama ko dahil halatang hindi niya nagustuhan.
Evion. Evion. Ang ganda naman ng pangalan niya. Saan kaya niya nakuha ng parents niya?
"Let me." Presinta niya at nilahad ang kamay nang makitang bitbit ko ang tatlong malaking bag, pero umiling ako.
"Kaya ko na po."
Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong tumingala sa kanya nang hindi umaatras. Hanggang pisngi niya lang umaabot ang tuktok ng ulo ko dahil mataas siya. Sana lahat. Halatang mayaman base pa lang sa pananamit niya at pagsasalita. May accent. Sigurado din akong hindi siya purong Pilipino. Mas mukha siyang foreigner.
Akmang kukunin niya ang bag na nakasuot sa balikat ko nang mahawakan ko rin ang malambot na kamay niya. Nagkatitigan kami sandali at may kakaiba talaga sa mga mata niyang kanina pa ako pinagmamasdan. May mali talaga, pero hindi ko matukoy.
Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kanina pa na parang pinapanood ako, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit iba ang kislap ng mga mata niya.
"Let me carry those. Kaya ka siguro hindi tumatangkad."
Hindi tumatangkad...
Ilang beses ko pang narinig sa isipan ko ang huling sinabi niya. Paulit-ulit kaya hindi ako nakapagsalita agad.
Napaamang ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya nang matauhan. "Hindi po ako maliit. Ikaw ang matangkad." Magalang na sambit ko at sinamaan siya ng tingin nang ngisihan niya ako na mukhang nang-aasar.
Wala namang nakakatuwa.
"If you say so." Mapang-asar pa na pahabol niya bago ako talikuran at naunang lumabas ng apartment.
Ah, talaga ba? Inaano ba siya ng height ko? Matangkad na nga ako para sa edad ko. Hindi na masama ang 5'5. Siguro ay nasa 5'8 siya. Basta matangkad sa akin.
"Polaris, come on." Pagtawag niya ulit kaya sumunod na lang ako.
Sa labas lang ng apartment na tinutuluyan ko ay nakakita ako ng tatlong itim na kotse. Hindi ako sigurado sa kung anong klase, pero mukhang mamahalin. Nagtaka ako dahil may mga tao na nakasuot sila ng parang uniporme pero kulay itim. Matikas ang tindig at lahat ay magalang na sumusunod kay Evion.
Wow. Para pala siyang mafia boss nito.
"Bakit ang daming tao?" Tanong ko sa kanya nang makalapit.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at kinuha ang mga dala kong gamit para ilagay sa compatment ng kotse niya. Ang ilang tauhan naman ay pumasok sa loob ng apartment kaya lalo akong nagtaka.
Habang ang mga kapitbahay ay napapatingin pa talaga sa amin, para siguro maki-chismis kung anong ganap. This is so unusual, I must say.
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomanceSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...