I SHOULD talk to her.
That's the best thing to do right now. Talk. Mas maiging linawin ko sa kan'ya kung ano ba ang nararamdaman ko, kaysa hayaan siyang manghula at masaktan sa mga maaari niyang maisip. I know Eve, she will undoubtedly overthink about it.
"M'lady, are you alright?"
Nag-angat ako ng tingin kay kuya Tobi na siyang nakatambay dito ngayon sa coffee shop ni Eve imbes na magkasama sila. Tawagin ko na lang daw siyang kuya.
Prenteng nakaupo siya sa isa sa mga upuan habang umiinom ng kape. He looks well-respected with the uniform that he's wearing. Iba lang ang design pero katulad iyon sa mga men in black ni Eve. Nagpunta raw siya rito sa akin para maki-chismis.
"Kuya, Polaris na lang tawag mo sa'kin."
He chuckled a little, his mood feels light. "I must not, m'lady. This is a form of respect that I can give."
Napailing ako dahil sa narinig. Alas-otso na ng gabi pero nagka-kape pa rin siya. "Para kang si Eve, kuya. Ang kulit mo." Humalukipkip ako sa harapan niya nang matapos akong magligpit ng mga gamit ko dahil katatapos lang ng work ko rito.
Hindi talaga ako dapat tutulong dito sa coffee shop dahil ang usapan namin ni Eve ay hindi ako magta-trabaho kapag malapit na ang exam. Midterms na namin sa isang araw pero imbes na magreview ay nandito ako. Hindi rin naman kasi ako makapag-focus sa inaaral ko. Bukas na lang siguro ako magre-review.
It feels heavy today.
"I heard that she opened up to you." Simula niya at binitbit ang gamit ko para makauwi na kami. Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko at iniwan na sila.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at imbes na sa backseat umupo ay naupo ako sa passenger's seat. Hindi naman na siya iba sa akin. "Opo. May mga sinabi nga siya."
"So?"
"Nalilito ako, kuya." Pag-amin ko at tumingin sa labas ng bintana nang umpisahan niyang paandarin ang kotse. "Naguguluhan ako sa kanilang dalawa ni Altair."
Napaisip siya. "Ah, Ms. Romano?"
"Opo."
Natahimik siya sandali habang nagd-drive pero nagsalita ulit. "What did she say?"
Hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano ang sinabi niya nung nakaraan lang. Malinaw pa sa isipan ko ang bawag salitang binigkas niya. It honestly bothered me.
Eve and I were living our own separate lives even we share the same home. Abala siya at subsob sa trabaho kaya hindi kami gaanong nakakapag-usap. Kung mag-usap man ay pormal dahil ramdam ko ang takot niyang kapag nilapitan niya ako ay lumayo ako sa kan'ya. Hindi naman iyon sa gano'n, mas gusto ko lang talagang pag-isipan nang mabuti.
She killed her own flesh and blood. Someone who raised her. That alone is what makes her dangerous. Anong... anong kasiguraduhan na hindi niya magagawa sa akin ang bagay na 'yon?
It's somehow scary. Pero, naiintindihan ko naman ang nangyari. Her father pushed her to the edge of her sanity that made her commit the unimaginable.
She's also suffering with the sin that she committed. Hindi siya tinitigilan no'n. I cannot imagine the trauma that keeps on haunting her, like a tenacious ghost of her past.
Every sin has a price to be paid for. I can see it, the dark side of her life seemingly perfect life. Eve may act and look with excellency, but she's a shattered soul trying not only to survive, but to live.
Napailing ako sa mga naiisip. "Kilala raw po si Eve sa manipulation." Kwento ko sa kan'ya at nilingon siya na seryosong nakatingin sa daan. "Totoo po ba 'yon?"
YOU ARE READING
Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)
RomanceSeven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." _____ A/N: This story, being a dark romance, contains scenes that are disturbing and triggering, and is...