Chapter 14

5.9K 314 43
                                    

"ATE, ANO pong meron?"

Kapapasok ko lang ng opisina ni Eve at kasalukuyang nagtataka dahil may mga lalaking may sari-sariling hawak ng bulaklak at mga paper bag na bitbit na sa tingin ko ay regalo?

Lumapit ako sa isang employee na lagi kong nakakausap. Si ate Jin. Buti nga at pinapapasok nila ako at talaga namang kilala nila ako. Lagi kasi akong sinasama ni Eve rito.

"Advance po ba sa company niyo ang undas?" Dagdag tanong ko pa kaya ntawa siya at sumilip mula sa kinauupuan niya rito sa front desk.

"Si Star talaga, oh. Hindi gano'n. Mga manliligaw 'yan ni Ms. Sullivan." Bulong niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ha? Manliligaw? Gan'yan karami?!

Napanganga pa ako sa gulat at napatakip ng bibig dahil sa pagkabigla. Ang dami naman masyado? Sa tingin ko ay lagpas sampu ang nandito ngayon. Wow. Lahat talaga sila ay kan'ya-kan'yang bitbit ng regalo. Ang gwapo ng mga itsura.

"Bakit hindi pa po sila umakyat?"

"Mailap si Ms. Sullivan sa tao. Buti nga at sa'yo ay hindi. Ngayon lang namin siya nakitang nagpaakyat sa office niya ng iba. Madalas kasi ay pinapaalis na niya." Dagdag niya pa habang may tinatype sa computer. "Ayaw niya silang hinaharap. Tapos 'yung mga regalo ng manliligaw niya eh pinapamigay niya lang din sa iba."

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. It's the truth. Ako kaya, pwedeng umakyat sa taas? I mean, hindi ko kasi nasabi kay Eve na pupunta ako rito sa office niya. Biglaan lang din naman dahil may vacant kami.

"Ay, Ms. Del Fierro, pwede kang umakyat sa taas." Tawag pansin sa akin nung secretary ni Eve na kabababa lang. Biglang nasagot ang katanungan ko. "Nasa office niya si Ma'am. Kahit anong oras naman pwede mo siyang kausapin. Sige na." Nagmamadaling paalam niya pa kaya tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin.

"Puntahan ko lang, ate." Paalam ko pa kay ate Jin kaya nakangiti naman siyang tumango.

Medyo nailang pa ako sa mga titig na binibigay nung mga lalaki dahil lahat sila ay nakatingin sa akin nang makitang patungo ako sa elevator. Matalim ang tingin niya at nanghuhusga.

"Miss, where are you going?" Paglapit pa sa akin nung isa nang akmang sasakay na ako sa elevator.

Matangkad siya. Gwapo. Malinis tignan at mabango. Typical na mayaman ang itsura. Hindi ko lang gusto 'yung judgement sa mga mata niya. "Sa office po nung CEO." Simpleng sagot ko kaya gulat niya akong tinignan.

Napaatras pa ako nang biglang lumapit din 'yung ibang mga lalaki na sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Halos palibutan nila ako. Napalunok ako dahil hindi hamak na mas malalaki sila sa akin at nakakapaso ang mga titig na binibigay. Anong ginawa ko?

"How are you related to her?" Seryoso pang tanong nito na nasa harapan ko.

"It's impossible that you're allowed inside and we're not, right?"

"Are you her employee? Secretary?"

Nalilito ako sa dami ng nagtatanong. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila kaya napakamot ako ng pisngi.

"Kaibigan niya po." Paglilinaw ko.

Sa lahat ba naman ng oras, bakit ngayon ko pa naalalang hinalikan ko siya. At hinalikan niya ako nung nakaraan lang. Every time I say na kaibigan ko siya, naaalala ko. This is not good.

Halik nang halik, hindi raw gusto. Ugh.

"Friend? Impossible, kahit kaibigan ay hindi niya pinapapasok sa taas."

Taste of Sanity (Seven Deadly Sinners #4)Where stories live. Discover now