Tiningnan ko sina Glow at talagang pilit na tinatago ang parehong pagtawa nila.
Nagpatuloy na ang activity ng wala si Mr. President. Nag enjoy nga talaga ang lahat. Merong mga sayaw at Kantahan. Presentations at kung ano-ano pa. Meron pa ngang naging pasabog ang gumigitara kahapon na kasama ni President. Si Mr. Auditor ata iyon. 'Cloud' ang laging sinasigaw sa kaniya. Siguro 'yon iyong pangalan niya.
Ang bilis kong ma-boring. Boxing pa siguro, dilat na dilat itong mata ko. Mabuti pa ay puntahan at kamustahin ko nalang si Daddy President ni Ace.
Kaagad akong umalis at napadaan sa music Room. Wala ng mga estudyante sa paligid kaya mabilis akong lumapit sa bintana upang makita siya doon sa loob.
Nakaupo na siya habang nilalagyan ng kung anong puti ang bawat sugat sa katawan niya.
"What the hell. Sinong p*nyeta ang gumawa sa akin nito? Malalagot sila sa akin!" Galit nitong saad kaya napalunok naman ako ng laway ko.
Ang sungit kasi, pero kahit papaano ay nakaramdam rin ako ng kaunting awa. Ang pogi niya pa naman, binalot lang ng pula ang katawan niya.
"Dark, are okay?" tanong ni Mr. Sporty. At tinitignan lang siya ng masakit ni President.
"Do I look okay to you, Glaze? Look! D-Do you think I'm fine!? F*ck!" Galit nitong sagot habang umiikot.
"Hayyyssttt. Hubarin mo kasi ang sando mo." Utos ng isa na kaagad niya namang sinunod.
Parang sabay na napahubad ang mata at ang panga ko. Gagi ang sexy! Oyyy Bloom! Bad!
"Sino ba kasing bw*sit ang gumawa nito sayo?" Nag-alalang tanong ni Mr. Sporty na nagngangalang Glaze.
"Glaze, kunan mo ngalang ako ng tubig, inuuhaw ako eh." Utos nito sa isa.
"Okay." Sagot naman nito tsaka na napaalis doon. Sa hindi inaasahan ay bigla itong napatingin sa puwesto ko at napangiti bigla ng masilayan niya ang ulo kong nakikichismiss doon.
"Pstt. Anong ginagawa mo giyan?" Tanong nito kaya bigla ko namang itinago ang ulo ko.
"Hayyysstt. Bw*sit na mga langgam ito ho! Umalis ka muna sa harapan ko Glaze. Naiinip ako, baka masuntok pa kita!" Galit na sabi pa nito kaya kaagad na napaalis at lumabas si Mr. Glaze at kaagad na napangiti sa akin.
"Psst babae!" Biglang tawag nito habang sinisipa akong nakaupo.
"Ano?" maangas na tanong ko.
"Ikaw gumawa noon kay Mr. President, ano?"
"May ebidensya ka?" Maangas na tanong ko habang sinusungkit ang gilid ng ilong ko gamit ang hintuturo.
"Ang astig mo 'no? Tapos ang ganda mo at ang taas mo pa. Pang miss universe ang outside appearance mo, may tililing ka ngalang. Tomboy ka ba?" Pareho itong napaluhod sa gilid ko tsaka seryoso akong tinitigan deritso sa mga mata.
Problema nito?
Mabilis kong sinuntok ang balikat niya saka na napatayo ng tindig. Aalis na sana ako upang talikuran siya ng bigla itong magsalita.
"May boyfriend ka ba?" Mabilis akong napa baling ng tingin sa kaniya na kaagad niya namang itinaas ng kilay.
"Boyfriend?" Taas kilay na tanong ko.
"Bakit? Girlfriend? Tomboy ka, Bebs?" Mabilis akong napa-smirk sa sinabi niya.
"Hindi ako tomboy, Pre. Tsaka huwag mo nga akong matawag-tawag na Tomboy, do you like me to hampas-hampas ko the tornado?" pilosopong sagot ko na nagbigay ng kaunting ngiti sa labi niya.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...