ALAS SINGKO ng hapon. Nandito ako ngayon sa gilid ng daan palakad-lakad mag-isa pauwi ng bahay namin.
Ipinatawag kasi si Glow sa office. Umaabot apat na Oras na akong naghihintay sa kaniya Doon e hindi parin lumalabas hanggang sa nag desisyon na akong umuwi nalang ng bahay mag-isa.
Nasa kalagitnaan ako ng mga mapunong daan ng biglang maalala ko na sa bahay nina Glow na pala kami ngayon tumitira at ang daan na sinusunod ko ngayon ay ang daan pauwi ng bahay namin ni Mama.
Mabilis Kong kinuha ang cellphone ko sa bag upang tawagan sana si Glow. Di malas naman e low bat ang cellphone ko, nasa five percent nalang at wala pang signal dito.
Nako po. Ilang linggo narin naman iyong nakalipas, baka naman siguro wala ng kababalaghang mangyayari.
Itaas ko ang cellphone ko habang naghahanap ng signal upang makatawag kay Glow.
Nanlumo ang mga braso ko ng biglang makita ko ang repleksyon ng dalawang lalaki sa likuran ko matapos mamatay ang cellphone na hinahawakan ko.
Kaagad kong nabiwatan ang hawak ko at agarang napalingon sa likuran ko.
“Paktay.”
Mabilis Kong binitawan ang Dala Kong bag at buong lakas na tumakbo sa mismong mga lalaki ngunit ilang metro palamang ang layo ko sa kanila ng sumulpot nanaman ang tatlong lalaki sa unahan ng dadaanan ko.
Jusko po. Bakit ba kasi ako pumunta dito.
Wala akong magawa kundi ang umiba ng daan. Napaliko ako papasok ng gubat para mismo makalayo sa mga kalaban na ngayon ay matindi na ang paghahabol sa akin.
“Huwag kanang tumakbo Bata! May kailangan lang kami sayo!” saad ng isang lalaki tsaka ako hinawakan sa braso.
“Bitawan mo 'ko!” malakas kong kinuha ang kamay ko sa kaniya tsaka ito sinipa sa gitna ng mga hita niya.
Mabilis itong nakaluhod sa lupa at akdang lalayo na ako ay kaagad naman nila akong pinalibutan.
“Kumalma ka bata! May itatanong lang kami sa 'yo,” Saad nila habang nakatingin ng matatalim sa akin.
“Ano!? Ano ba kasi kailangan niyo ng maging payapa na ang buhay ko,” saad nito.
“Alam naming kilala mo iyong pangalan ng lalaking bumibisita sayo araw-araw. Sino siya?” seryosong tanong ng hindi matukoy na lalaki.
“Hindi ko alam,” sagot ko.
“Huwag kanang magmatigas pa bata. Ano mo siya? Guardiya mo ba siya? Boyfriend o ano?” Tanong nito na bagbigay sakit sa ulo ko.
“Hindi ko nga alam ang ibig niyong sabihin kuya eh. Bitawan niyo na ako,” pakikiawa ko.
“Sagutin mo muna kami Bata! Bakit ka ba niya laging sinusundan? Ha!” naiirita niyang sambit e iyon nga rin ang tanong na hindi ko masasagutan.
“Si Mr. Nobody ba? E hindi ko alam. May kasalanan kasi ako sa kaniya kaya niya ako sinusundan,” pag-aamin ko habang nakayuko.
“Mr. Nobody? Alam mo ba totoong pangalan niya?” dagdag na tanong pa nito.
“Hindi, ayaw niyang sabihin eh. Siya nalang tanungin niyo para matapos na 'to-”
“Tumahimik ka!”
“Makinig ka bata. Ilang miyembro na namin ang namatay dahil sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit na papalpak ang plano namin. At dahil ikaw ang kasintahan niya, kailangan mong sumama sa amin!”
“Bahahaha. Anong kasintahan ang sinasabi mo kuya e magkaibigan lang kami no-”
“Tumahimik ka o sasandukin kita ng espada!?... Sige na! Dalhin niyo na 'tong babaing to sa loob ng Van,” utos nito sa mga kasama niya at kaagad akong nilagyan ng tali sa kamay at paa ko.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...