"Haysstttt d*mn it! F*ck! Kainip!" Naiiritang sabi ni Dark habang sinisipa ang pintuan.
"Kalmahin mo, sasakit lang paa mo eh," tiwala kong sabi.
"Bloom, tulungan mo akong humanap ng bagay para mabuksan o mabasag ang pinto na ito," utos niya.
"Ah, sige."
Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin niya sa 'bagay,' dahil napapaligiran naman kami ng mga 'upuan.' Sa kahit anong paraan, ay tamad Akong tumayo upang kunin ang malaking mesa ng guro at idikit ito ng pahiga sa pinto.
"Bloom, ano bang ginagawa mo!? Lalo mo lang ina-block ang pinto," sabi niya.
"Eh gabi-gabi kasi galit na galit ka," seryosong sabi ko.
"Ano kinalaman n'on?" Taas kilay na tanong niya at nag kibit balikat na lamang ako.
"Haysssttt," buntong-hininga niya, saka umupo ng medyo malayo sa tabi ko.
"O, angyari?" tanong ko, at masusing tiningnan niya ako. Tumayo ako upang kulitin sana Siya ng bigla rin itong mapatayo at dahan-dahang lumapit sa akin na mayroong titig ng pagnanais.
Subrang pigat ng laway Kong nilunok na halos mabara ito sa lalamunan ko.
E alam ko namang dalawa lang kami dito. Lalaki siya ta's Ako girl. Aba girl? Hahahaha. Pero oo, eh baka magkakaapo si mama nito ng maaga.
Nagpatuloy ako sa pag-urong hanggang sa ma-corner ako sa gitna ng pader at ng aparador ni Ma'am.
Biglang nilapag niya ang pareho kamay niya sa bawat gilid ng balikat ko dahilan para mapatalon ako sa kilig, este kaba.
“D-Dark urong ba, urong,” nauutol na ani ko habang iniiwasang Hindi mapahawak ang palad ko sa mga dibdib niya halos dumidikit na sa dibdib ko.
Lord, alam Kong makasalanan akong tao pero parang awa niyo na. Bata pa ko oy.
"Why staring down, Bloom. Ngayon, ikaw na lang at ako dito. Magagawa ang gusto ko sayo. Matagal-tagal narin. Ngayon, kaya na kitang patayin!"
Patayin... Patayin... PATAYIN!
Salita niyang nag echo sa pagkatao ko. Iyon tuloy, iyong pamumula ko napalitan ng nguso ng aso.
“Ehh... Ah kala mo matatakot mo ako sa mga pambobola mo?”
Inikot ko ang dila ko sa loob ng labi ko habang tumatango. Abay simpre humahanda sa posibleng pag-atake.
Ng mga Oras na nahanda ko na ang sarili ko ay kaagad ko na siyang tinitigan upang harapin ang taong gustong pumatay sa akin.
Bigla akong napangga muli sa pader ng Oras ng e eye to eye ko na ang killer.
Putiks. Diko kaya. Masyado pogi ang kalaban.
Talim palang ng malalim na titig niya ay hindi ko kinaya. Lalo na ang mauugat niyang braso na handang lumupig sa pagkatao ko.
Kapantay ng yumuyuko niyang ulo ang noo ko. Parang Ako na nga ang uupo sa sahig dahil sa Hindi ko na kayang tumayo sa posisyong naging komportable Siya.
Mabango siya, lalo na ang maiinit niyang hininga na dumadapo sa bibig ko na nais niyang pantayan.
“Killing an innocent girl in this miserable place might be worth it. But killing a useless girl like you, Bloom. Sh*t it's priceless.”
Kaagad ko na siyang sinipa sa tuhod, dahilan ng biglang pagluhid nito sa hapdi. Itinulak ko siya palayo at kaagad na napatakbo sa pinto upang kunin ang mesang hinarang ko dito.
Mali. Maling desisyon sa buhay. Lalabas ata ako ditong bangkay.
"Hoy gaga ba't ka tumakbo?" Natatawang sabi niya na akin ay nagpahinto.
Mabilis Kong hinablot ang cellphone ko sa mesa at kaagad na inilawan Kong talagang si Dark ba itong kausap ko.
Parang ibang tao kasi.
Inaakala ko man e talagang Siya si Dark eh. Parang naging demonyo lang ang ugali. Ay mas lalo pala kasi demonyo na talaga siya noon.
"Ang bastos!"
“Bastos? In what way?”
Hindi Ako nakaimik kaya napatawa siya.
“Ah oo nga pala no. Hindi ka nakakaintidi ng english. Gusto mo turu-an kita kung paano sambitin ang mga vowels ng may tono? Hmm?”
"B-bahala k-ka," nauutol na sambit ko habang siya ay yumuko at umupo sa sahig, hawak ang kanyang noo.
Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko at inilawan ang sarili niya.
“Ugh... Egh... Eugh... Ough... Uugh.”
“B-bahahahaha.” Malakas na pagtawa ko habang nakapalupot ang kamay sa tiyan.
“Hahaha,” mahina niyang tawa balik.
"Hahahaha ulit-ulit," mabilis akong gumapang palapit sa kaniya at tinitigan ng maigi ang mukha.
Siya naman itong kagad na napahawak leeg at napatagilid habang nakangiti.
“Wala. Mauupo kana, Bloom,” mabait na utos niya.
Kaagad naman Akong umupo sa tabi niya at nakangiting tinitigan siya sa mukha.
Hindi ko man alam kung bakit ganito nalang Ako naging maamo kapag Siya ang kaharap ko. Kahinaan kasi ng bato kong puso ang malamig niyang presensya.
“Ang kulit mo, Bloom. Wala sigurong laban na inuurongan mo ano?”
Tumawa ako. “Oum.”
“Kaya pala sirang-sira na ng backgrounds mo. Pwede mo pa namang mabago iyon eh.” Malamig na sabi niya.
“Paano?”
Napatingin siya sa akin ng may malalim na titig. “Baguhin mo ang sarili mo.”
“Huh? Maraming nagmahal sa akin kung sino man ako, tapos babaguhin ko lang ang sarili ko para sa isang tao?” tigas ulong sabi ko.
“Hindi kita sinabihang magbago para sa akin. Sinasabihan kitang magbago para sayo at sa ikabubuti mo,” pahiwatig niyang nagpatahimik sa akin.
“Dark, ganoon na ba Ako kasamang tao?” Nakasimangot na tanong ko.
“Hindi naman,” buntong hiningang sagot niya habang nakasandal ang ulo niya sa pader.
“Bakit galit sila sa a-akin?” Naiiyak na sabi ko na kumuha ng atensyon niya.
Mabilis niya akong tinitigan tsaka Siya nagsalita. “Umiiyak ka, Bloom?”
Natatawang sambit niya. Parang g*go.
“Gusto mong isampal ko sayo ang luha ko para malaman mo?” Sigaw ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang problema sa sinabi ko upang mapahalakhak siya. Sarap batohin ng upu-an.
Ilang minuto na ang nakalipas at pareho kaming hindi na nakaimik.
Nagtaka Ako kung tulog na siya dahilan ng pagwagayway ko ng kamay ko sa mukha niya.
“Ano?” biglang sambit niya.
Napangiti ako saka na kinuha ang bag ko.
“Sayo bato?” tanong ko sabay bigay ng itim na panyo sa kaniya.
Mabilis niya itong hinablot sa kamay ko at itinago sa bulsa niya.
“D-Dark, iyong desinyo sa panyo mo at iyong desinyo ng tattoo noong lalaking nakita kong pumatay kay Ace ay magkapareho.” Inosenteng tanong ko at hindi man siya nakapag react.
“Kalimutan mo nalang kung ano ang nakita mo.” Seryosong saad niya.
“Alam mo ba. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit hindi Ako pinatay o sinaktan man lang ng mga mamamatay tao na iyon.”
Ng napagtanto kong hindi na umimik si Dark ay kaagad narin akong pumikit ng aking mga mata.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...