CHAPTER 49

57 1 0
                                    


BLOOM'S POV

Mataas ang sikat ng araw ngunit nanatili pa rin akong nakaupo sa harap ng aking bintana.

“Anak, kakain na tayo,” malumanay na yaya ni Ina ngunit hindi man lang ako bumaling ng tingin.

Malumanay na lumapit si Glow at umupo sa tabi ko.

“Bloom, bakit ka ba malungkot? Dapat maging masaya tayo dahil ligtas na kayo. Tumawag na sa akin si Glaze. Sabi niya pupunta raw sila dito mamayang hapon,” kaagad akong napadilat sa sinabi ni Glow.

“Talaga?” paninigurado ko.

Napatango siya at ngumiti. Kaagad ko naman siyang niyakap at lumabas kami ng kwarto upang kumain.

Ilang minuto lamang ang nakalipas nang biglang tumunog ang doorbell.

“See? Nandito na sila,” masayang wika ni Glow kaya napatakbo ako sa pinto at sabay naming binuksan ito ni Glow.

Biglang napawi ang mga ngiti sa mukha namin nang bumungad si Ace.

“B-Bloom, kasama ko ngayon a-ang kapatid mo.” Nauutal na saad niya habang nakatayo nang tuwid.

Sabay kaming napabaling ng tingin ni Glow sa kotseng nasa bakuran namin. Malumanay na lumabas mula dito si Glitch.

Nakataas ang kanyang noo habang nakasuot ito ng malaking at mabigat na itim na gown.

Kagaya ng dati, suot pa rin niya ang kanyang maskara pero ngayon buong mukha na niya ang may takip.

Malumanay na napayuko si Glow at si Mama habang ako ay nanatiling nakatayo nang tuwid.

Maingat akong lumapit kay Glitch at napaluhod sa harapan niya.

“Imperial Princess, parang awa mo na.” Biglang pag-crack ng boses ko sabay tulo ng mga luha. “Gusto ko—”

“Shhh, maaari ba akong pumasok?” malumanay na alok nito kay Mama habang hawak ang parehong kamay ko.

Kahit labag sa kalooban, pumayag na lamang si Mama. Alam niyang mahirap nang umilag lalo't nagtagpo na ang aming landas.

Sa harap ng isang mesa, tanging ako at si Glitch lang ang nakaupo. Nasa kusina sina Mama at Glow kasama si Ace.

“Kamusta ka, Ate Bloom?” Masayahing tanong niya habang umiinom ng tsaa.

“Ayos lang ako, Glitch.” Pilit na ngiti ang sagot ko.

Maigi niyang nilagay ang kanyang baso at pinggan sabay kuha ng isang papel mula sa kanyang bulsa.

“Nais kong imbitahan kayo ni Mama sa palasyo bukas ng umaga. Nais kong magsama-sama na tayo bilang isang pamilya, Ate.”
Mabilis akong napalingo sabay na ibalik ang papel sa kaniya.

“Pipiliin na lamang naming manatili sa mapanganib na bundok na ito kaysa tumira sa palasyo, Mahal na Prinsesa,” sabi ko.

Maginaw ang kanyang kamay nang hinawakan niya ako. Habang nakatingin siya sa akin, makikita sa kanyang mga mata ang pagkalungkot.

“Ate, nais kong sumama sa inyo. Nais ko ring sumaya,” biglang nag-iba ang tono ng kanyang boses.

“Kung gusto mong sumaya, dito ka sa amin sa bukid o probinsya. Simple lang ang pamumuhay dito at kahit mahirap, masaya kami sa lahat ng bagay,” sabi ko.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now