Huminto ako at umupo ako sa ilalim ng malaking puno. Ayoko ng lumakad pa at lumayo.
Habang sinasandal ang mga ulo ko sa paa ko ay kaagad akong natigilan sa paghikbi.
“QuiaAKKkk!!” isang tunog ng hindi maintindihang ibon ang darinig ko.
Iwan ko ba kung parot o Anong klaseng ibon iyon. Wasak sa wasak talaga iyong tunog.
Binalewala ko nalang ito at muling bumalik sa drama ko.
Maya-maya paman ay tuluyan na akong napatakip ng tainga. Bw*sit. May mukhang mas heart broken pa sa akin dito.
“Kuwakkk kiyokkk... KooooOOOAAA!!!”
“Tahimik!” sigaw ko sa himpapawid e talagang tumahimik nga naman.
Minuto lang ang nakalipas ng mas lalong lumakas pa ang tunog nito.
“SiINGGG!! NATIINGGGGLE!!! jagsjsiashwh!” Hindi maintindihang sigawan nito.
Hindi na ako napakali at mabilis ng tumayo sa inuupu-an ko. Sinundan ko ang tunog na iyon na sa tingin ko nama'y hindi kalayu-an sa posisyon ko.
Ng nasa gitna na ako ng paglalakad ay kaagad namang napawi sa pandinig ko ang tunog nito.
Parang niloloko lang ata ako ng pandinig ko. Hindi ko nalamang ito pinansin at nagpatuloy nalang ng ilang hakbang sa daan na nilalakad ko.
“What the... Woah.” Nabitawan ko ang mga dahong nabunot ko habang lumalakad.
Isang paraiso ng nagagandahang pananim ng mga bulaklak at mga prutas.
Sa kaliwang gilid nito makikita ang isang maliit na waiting shed na pinapalibutan rin ng mga halaman.
Medyo wild ang mga halaman sa paligid pero parang ang lahat ay nakalagay at nakadesenyo sa kung saan ito magandang tingnan.
Sumilong ako saglit sa waiting shed at pinabayaang kumalma ang sarili.
Ang nakakalungkot lang na sa bawat pagdilat ng mata ko sa paligid ay si Nobody ang naiisip ko.
Sana hindi ko nalang siya sinabihan ng ganoon. Siguro kung siya lang iyong pinili ko, nakakasigurado akong ligtas ang puso ko. Sana masiyahin ako ngayon.
Nangyari na ang nangyari eh. Nagpakabobo ako kaya nawala siya. Pero kahit sinaktan ko siya sana magpakita siya sa akin ngayon. Gusto ko siyang yakapin at kausapin kahit sa kaunting pagkakataon.
“SiiinnGgg. SweeTt NANGtingGALE! OoooOHHH. SinNGG SWEET NATINGLE. OoohhhhAhhh.”
Muling tunog ng wasak na ibon. Pero bakit parang salita ng tao? Kaninong parrot to?
Mahina kong ginalaw ang ulo ko para magmasid sa paligid.
Isang tao ang paunti-unting nabubuo sa paningin ko. Lumakad ito papunta sa akin. May hawak itong lubid na parang yoyo na pinapaikot sa mga daliri niya.
“A-Ace???”
Biglang tumigil ang paa nito tsaka tumingin sa akin.
“Mommy?”
“A-A-ACE!?" Biglang sigaw ko.
Nanaginip ba ako? Si Ace ba talaga itong nasa harapan ko?
Bakit lagi nalang nagpakita ang kaluluwa niya sakin. Ang lapak pa ngiti nito sa akin. Puti ang kanyang damit. Tapos itim ang short.
"Ohh mommy, buhay ka pala," bati nito pero tulala lang akong pinagmasdan siya.
Malumanay akong kumuha ng bato saka na itinapon sa kanya shoot sa noo.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomansaMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...