CHAPTER 28

125 7 0
                                    

Ng makarating kami ni Glow sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mahigpit na yakap ng aming mga magulang. Ang nakakatuwa lang ay pareho silang mapatalon ng makita kaming may maliwanag na korona ni Glow.

Kung si Glow pa nga e talagang deserb namin to kasi pinaghandaan talaga namin hahahaha.

Lampas alas dos na ng matapos ang Prom Night kaya ng makauwi ay hindi na ako dinalaw ng antok. Ang saya-saya ko ba naman.

Si Glow nga nagpahinga na kahit puno ng ngiti ang mukha. Iwan ko lang kung ano ang nangyari sa pagitan ni Glaze kung bakit ganoon nalang kasaya ang kaibigan ko.

Tahimik akong nakatunganga sa itaas ng kisame habang katabing nakakumot kasama ni Glow.

Napatuon ang pansin ko sa bintana ng malanghap ko ang malakas na simoy ng hangin.

Nakabukas ito kung kaya ay pumapasok ang mga dahong nakukuha galing sa sanga.

Napatayo Ako sa kinahihigaan ko tsaka ako pumunta malapit sa bintana sabay na umupo sa sofa na nakatambay dito.

Ang ganda ng buwan. Sabi nga nila sa bilog na buwan kumukuha ng lakas ang mga underworld na angels. Iwan ko ba kung totoo sila. Marami ang nagsasabing na namumuhay at nakikisama rin sila paminsan-minsan sa ibang tao.

“Jezzz,” kaagad akong napangiti ng maalala ko si Nobody. Kaagad na pumasok siya sa kukuta ko ng sambitin ko ang mga underworld angels.

“Hi Bloom.”

“Ahh!-” mabilis na tinakpan nito ang labi ko.

“Ang aga-aga para magising mo sila,” aniya tsaka ko mabilis na inalis ang mga kamay niya sa bunganga ko.

“A-anong ginagawa mo d-dito?” nagtatakang tanong ko.

“Binisita ka,” simpleng sagot nito sabay na napaupo sa bintana.

“Paano mo ako nahanap e ang layo ko,” tanong ko saka naman siya tumawa.

“Naamoy ko kasi pabango mo. Sa pamamagitan ng ilong ko mahahanap kita,” Anito.

“Baliw! Nga pala nobody. Bakit lagi mong tinatakpan ang mukha mo. Hindi rin nag iiba ang mascara na ginagamit mo.”

Hindi siya sumagot at may ibinigay na litrato sa akin.

“Ano ito?” tanong ko.

“Sila ang pumatay sa kaibigan mo,” saad nito na ikinabahala ko.

Tatlong litrato ng mga lalaking natagpuang patay sa bakuran namin ng mga nakaraang linggo.

“I-ikaw ba ang pumatay sa kanila?” Tanong ko at agaran naman itong tumango. “Bakit?” taas kilay na tanong ko.

“Kayo ang papatayin kapag Hindi ko ginawa iyon, Bloom. Lalo lang kang mapapahamak kung papabayaan ko pa silang mabuhay,” sagot nito na nagpatakip ng palad ko sa labi.

“Mamamatay tao ka ba Mr. Nobody? Sabihin mo nga, Ikaw ba iyong lalaking itinulak ko sa-”

“Tindahan? Oo ako iyon. At dahil sa ginawang kamalian nating dalawa Doon e nalagay ang buhay natin pareho sa pahamak,” aniya.

“Tayo?” Tanong ko.

“E sino ba tumulak sa akin?” Tanong niya balik.

“Ako,” mabilis na sagot ko.

“O diba? Kaya nga kita tinutulungan eh,” sambit niya.

“S-salamat kung ganon,” aniko.

“Sa susunod kasi kapag gumawa ka ng desisyon sa buhay mag-isip ka,” paghahambing nito sabay batok sa noo ko.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now