ACE's POV
Ilang minuto na ang nakalipas mula nong ilabas kami ng batang babae sa isang madilim na silid. Sa ngayon tahimik akong nakaupo sa isang sofa habang si Bloom naman ay nakahiga sa malapad na kama habang kinakausap siya ng batang babae na siyang kapatid niya.
Nakadikit sa kaliwang mukha niya ang babasagin na mascara kaya hindi gaanong makita ang totoong imahe niya.
“Glitch? Iyon ang sabi mong pangalan mo hindi ba?” Mainam na tanong ni Bloom.
Kaagad namang napangiti ang batang babae tsaka na tumango.
Glitch... Ang cute ng pangalan niya.
Maya-maya paman ay hindi na ito nag-abalang umupo sa tabi ni Bloom tsaka na hiniga ang kaniyang ulo sa mga dibdib ni Bloom.
Makikita sa mukha ni Bloom ang pagkabigla kasi alam kung paa hanggang ulo ang panginginig nito kanina kay Glitch hahaha.
“Sa wakas may kasama narin ako heh-” Biglang napahigbi ito saka na yumakap ng mahigpit sa beywang ni Bloom.
Kaagad naman siyang hinayakap balik ni Bloom sabay husay ng buhok nito gamit ang daliri niya.
“A-akala ko ba meron kang kasama dito, G-Glitch?” Nauutol na tanong ni Bloom sa malambing niyang tono.
Napailing si Glitch. “W-wala p-po ate.”
“Awwwww,” sabay na reaksyon namin ni Bloom ng biglang tingnan ako ng matalim ng kapatid niya.
“Ate? S-sino po siya?” Malambing na tanong ng kapatid niya.
“Ah siya si Ace. Iyong boy bestfriend ko,” nakangiting mungkahi ni Bloom.
“Hi,” nakangiting bati ko sabay kaway ng kaliwang kamay.
“Hello,” bati niya balik sabay tagilid ng ulo niya habang kumakaway.
Acckkk ang cute niya talaga. Am I the one you're looking for baby gurl?
“Very good.” Saad ni Bloom sabay tanging sa buhok ni Glitch.
Napatingin muli sa kaniya si Glitch tsaka na humiga sa dibdib niya.
“Bakit nga pala merong takip iyang mukha mo Glitch?” Tanong ni Bloom.
Kaagad namang napahawak ang bata sa mascara niya sabay na tumingin kay Bloom.
“Hmmm bigay po ito ni Lola sa akin bago siya namatay. Sabi niya ang tanging makakatanggal lang nito ay ang mapapangasawa ko,” nakangiting sambit niya.
“Hala really?” tugyot na reaksyon ni Bloom.
Bw*sit talaga itong si Bloom, napaka seryoso ng usapan tapos papasukan ng kalukuhan.
“Meron ka na sigurong boyfriend baby Glitch ano? Ayyy Glitch huwag kang mag b-boyfriend ng may mascara sa buong mukha a. Baka unggoy iyong totoong mukha whahaha. You know that ha?” pabirong tanong ni Bloom sabay tawa ng malakas. Walang dalawang-isip na sumabay naman sa pagtawa ang kapatid niya sa kaniya.
Ang cute nilang tingnan. I wonder kung ilang taon na itong batang ito. Ang cute at liit niya pa. Siguro hanggang sa dibdib ko lang siya. Kung sa bagay Bata nga diba?
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomansaMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...