Gumising ako ng wala na si Dark sa tabi ko. Nakagising Akong may itim na jacket na kumukumot sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, jacket ito ni Dark.
Kaagad akong napangiti at agaran itong niyakap ng mahigpit.
“Ahm! Miss?” Mabilis na tumuon ang pansin ko sa taong tumawag sa akin.
Si manong guard pala, naiiritang nakatingin sa akin. Napangiti nalamang ako at kumaway sa kaniya.
“Pinapatawag ka sa principal's office.” Walang emosyon na sambit ni kuya guard.
Patay...
Matapos ang karumaldumal na kidlat sa loob ng office ay kaagad na akong umuwi ng nakabaluktot ang likod.
Bakit Ako lang ang napagalitan. Hindi ba nakita ni Kuya Guard si Dark? Nakakairita, nasalo ko pa lahat ng galit nang principal.
Ng umuwi ako ng bahay ay kaagad Kong kinuha ang cellphone ko upang magpalambing sa best friend ko.
________________________________________
*/Nag voice message.
Voice message: Huhuhuhu Glow!!!... Pinagalitan ako sa principal's office.
Glow: Gagi wala nga akong load!!!!💩
Bloom: Kainip! Sabi ko huhuhuhu😭😭😭😭 pigalitan ako sa principal's office!😭😭😭🥲
Glow: Ahh!!!!! DESERVE... Charrrr hahaha.🤭🙏
Bloom: Hindi ka nakakatawa.😭😭😭
Glow: Sorry po🫡😴. Bakit????Bloom: Lumabag nanaman daw Ako sa batas😭
Glow: Ang oa nila. Ang mahal ng pinabayd mo doon tapos gaganyanin kalang nila? Huwag kang umiyak best friend ha? Susulungin natin sila bukas.👽👹 I love you!🥹Bloom: Oo! Sige!👹👹👹 I love you too
Best friend ko🥺_________________________________________
"Bloom, anak?" Bigla kong tinago ang cellphone sa ilalim ng kama.
"Po?"
"Tumawag si Daddy mo kanina. Nagtatanong siya if kilala mo raw si Darker Knight Fianzhai?"
Parang kinain ko bigla ang papel na hawak ko.
"P-Po ma? B-bakit?" nanginginig na tanong ko.
"Kinausap raw siya ni Dark tungkol sayo. May ginawa kabang masama? Diba siya ang SSG president?" Tanong nito at tango lang ang naging sagot ko.
Patay. Ano kaya pinangsasabi niya Kay papa. Lagot nanaman ako nito.
"Kailan lang, Ma?" Tanong ko.
"Kanina lang. Maghintay kalang ng tawag ni Papa mo. Baka kakausapin ka niya tungkol doon." Hinalikan nalamang ako ni mama sa pingi tsaka ito lumabas ng silid ko.
Nako bloom. Ah bahala na bukas nalang ulit. Tutulog muna ako.
Ng pagkakataong pipikit na Ako ng mga mata ay agad na nag ring ang cellphone ko at ng tiningnan ko ito. Juskomeyo! Si Papa tumatawag! Huhuh.
"H-Hello? Daddy?" Monggoloid kung tono.
"Bloom, good evening." Masiglang ani ni Papa.
"Good ebning din po, Padre de pamilya." Nakangiting aniko.
"Mr. SSG President, Darker Knight Fianzhai called me that you had been caught violating the school guidelines and regulations... Do you know how much money I spent for you so you can proceed to your senior high school? The Magnallion High School University is the only private school to grab on. Bloom, every month do we have to discuss this!?"
Nanginginig nanaman ako sa bosis ni Papa. Minsan na ngalang magagalit e sulit naman. Ang problema pa e hindi pa Ako makakaintindi sa mga pinangsasabi niya.
"Bloom? Bloom!"
"Dad!" biglang sagot ko.
"Bakit Hindi ka sumasagot? Nakikinig kaba sa mga pinangsasabi ko?" Galit na tono nito.
"O-opo."
"Ano ang mga sinabi ko!?" Galit niyang tanong na nagpakagat labi sa akin habang kinakalot ng malakas ang ulo ko.
"Tungkol po kay Dark?"
"It's not about him, Bloom. It's about you. Hindi Siya ang may problema, Ikaw! Araw-gabi Akong nagtatrabaho. Kahit kailan hindi Ako sumubok na magpahinga kahit nga sa gabi na natutulog kayo nagtatrabaho pa si Papa mo para mapa-aral ka. They don't punish you much physically and mentally but I always pay for your disobedience and violations. Tatlong buwan kapalang nag-aaral doon pero umaabot na ng 12 million pesos ang nagastos ko sayo."
Tulala nalamang akong pinapahiran ang mga luha ko.
"Magnallion High School University is an international private school. Every month I paid fifty to hundred thousand dollars plus your fines and punishable offenses. Bloom, please... maawa ka. Pinapaaral ka para matoto. Kaya makinig ka, huwag kang lumiban sa klase, at kilalanin mo kung sino ang mga binabangga mo. Or else, hindi na talagang kita papaaralin kahit kailan."
"O-Opo, Papa." Nabitawan ko na ang cellphone at kaagad ng pinunusan ang mga luha at sipon ko.
"Bloom, para ito sayo at sa kinabukasan mo. Kinausap ko na si Mrs. Chairman. Sana next call sa akin okay ka na. I'm counting on you. Are we clear?"
"Crystal, Papa."
*/Hiccup! Hiccup!
"Okay... I love you my princess. Dad is going to work now. Goodnight." Malambing na ani nito.
"Goodnight, Pa. I love you too." napatay na ang tawag.
Muling bumalik na ako sa higaan ko tsaka niyakap ng mahigpit ang mga unan sa paligid ko hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.
*/Umihip ang malakas na hangin.
“WoaHhh,” biglang sambit ko sabay yakap ng sarili ko.
Pilit kong idinilat ang mga mata ko. Isang anino ng lalaki na nakaupo sa bintana ang aking nakita. Nakasumbrero ito at taimtim na nakatitig sa akin.
Pabilis ang kaniyang paghinga at pangmadali-ang sumusulyap ng tingin sa malayo.
“S-sino ka? N-Nobody?” nauutol kong tanong at tango lang ang naging sagot nito sa akin.
“Ang ginaw,” nanghihinayang na tono ko.
Kaagad siyang bumaba ng bintana papasok sa silid ko at isinara ito. Sa kaniyang panggagalaw ay parang masama ang karamdaman nito.
Nakahawak ang kaniyang kabilang palad sa gilid ng kaniyang tiyan habang nakabaluktot ang kaniyang likuran.
Pagkatapos niya itong isira ay dahan-dahan itong napaupo sa sahig malapit rin sa higaan ko.
Masyado pang malalim ang gabi upang gumising. Napuyat rin ako sa kakaiyak at hindi naman pwede na pati ang oras ng pagtulog ko ay madidisturbo.
Hindi ko na nakayanang dumilat at tuloyan ng sumuko ang pagid kong mga mata. Huling nadinig ko nalamang ang mga kakaunting ingay ng putokan sa labas ng bintana.
Para sa akin ang ganoong tunog ay kasabay nalamang ng panaginip ko.
Alas otso na ng umaga ng napagtanto ko na hindi pala panaginip ang naging eksenang putokan sa labas kundi aktwal na barilan na nanaganap, alas dose ng gabi sa harap ng aming bakuran.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...