CHAPTER 15:
Libo-libong bubuyog ang sumiklob sa pandinig ko. Muni-muni ng mga sari-saring tunog ang tanging nadadama ko.
Sa wakas, pag-asa ng langit ang siya ring bumisita sa akin. Si Ina nasa dulo, nakayuko habang nakaupo sa sala hawak-hawak ng mahigpit ang mga kamay ko.
"Anak, please gumising kana," himig niyang yumakap sa puso ko.
M-ma? Ilang butil ng luha ang biglang pumatak sa mga mata ko.
Mabilis na natauhan si ina at kaagad niya akong niyakap. Kahit kailan hindi na natigil ang pag-iyak ko. Habang tumatagal ang lalong nakakaramdam ng hapdi ang aking puso.
Isang alaala ang biglang bumisita sa isipan ko. Ang pagkakataong Nakita ko si Ace na nakahiga sa harapan ko, pilit na inaabot ang kaniyang kamay sa mukha ko.
"Ma, s-si Ace po, iyong kasama ko nasan?" tanong ko sa kanya, at kaagad itong napailing habang lumuluha.
"Anak, iyong isa mong kasama P-Patay na siya. Dalawang malalalim na sugat ang tinamo niya na siya ring naging dahilan ng pagkawala niya. Wala kang malay, binabalot ng dugo ang likuran ng ulo mo, mabuti nalang at buhay ka pa ng matagpu-an kayo. Lubos ang pasasalamat ko sa diyos dahil hindi ka niya binabayaan, Anak"
Patay? P-patay na si Ace?
"Panaginip N-nananaginip lang ako, Ma! Humahagolhol na sigaw ko kay Mama. Nguni tiling na lamang ng ulo niya ang aking nakita.
Kaagad akong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi, buhay ang anak ko, hindi ito totoo. Walang pagdadalawang isip kong sinubukang humakbang subalit labis na pagpigil ni ina ang hindi ko makakayang iwasan.
"Anak ano ba. Saan ka pupunta? Bloom!" sigaw ni Mama ng kaagad akong lumuwas sa emergency room, kahit malaki ang sugat ko sa ulo.
Kung saan banda ng hospital ako tumungo upang mahanap lang ang katawan ni ace. Alam kung hindi kapani-paniwala ang nangyari ngunit hindi ako maniniwala hanggat hindi ko makikita si ace.
Ang anak kong may matayog na ngiti. Ang pangunahing kaibigan kong lalaki. Ang tanging lalaki na sumurporta sa lahat ng gusto ko. Alam kong walang sinuman ang dapat sisihin dito kundi ako. Hindi ko kahit kailan man mapapatawad ang sarili ko kapag mawawala siya.
Para akong naputulan ng ulo ng makita ang isang bangkay ng lalaki na tinakpan ng berdeng kumot mula paa hanggang ulo.
Nasa harapan ng malamig na bangkay sina Chairman, Glaze, at Cloud na labis ang pagdurusa habang tinititigan ito maliban lamang kay Dark na walang emosyon na nakatitig sa katawan ni Ace.
Eksenang hindi ko kayang maipaliwanag ng biglang lumapit sa akin ang matandang babae at sinimulan akong pagsigawan at pagsusuntokin.
"Ikaw ang dapat sisihin sa nangyari sa apo ko! Magmula ng araw na nakilala ka niya naging magulo na ang pag-uugali nito. Natoto siyang gumala dahil sayo! Na kung sana hindi mo siya niyaya na lumabas kasama mo hindi siya nawala sa piling ko-" Pagsisigawan nito kasabay ang malalakas na paghambas niya sa balikat ko.
Lola, s-sorry p-po. Nanginginig na aniko.
Sorry? Sorry lang ba ang kapalit ng buhay ng apo ko!?
Lola!
Chairman, tama na po. Mabilis na pagpigil ng dalawa sa kaniya habang nilalayo ito.
Bloom, parang awa muna, lumayo ka muna, malambot na sabi ni Glaze sa akin kung kayay kagat labi akong napatango at lumabas ng kwarto.
Mabilis akong sinalubong ni mama at kaagad akong ibinalik sa higaan ko. Higit limang oras na akong nakahigang tulala sa kama ko. Hawak-hawak ko parin sa kamay ko ang liham na ibinigay sa akin ni Ace bago nangyari ang insidente.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...