EPILOGUE

91 2 0
                                    

Alas-siyete na ng gabi at maaring aabot pa ng isang oras ang biyahe bago kami makarating sa mismong lugar kung saan magaganap ang kasalan.

“Hello, Glaze, nasaan ka na?” iritang saad ni Glow habang kinakausap si Glaze sa cellphone.

“Nandito na ako. Nasaan na ba kayo? Pumaparada na ang bride!” pabulong na sagot ni Glaze.

“Tita at Bloom, mag-uumpisa na raw ang seremonya,” sabi ni Glow habang kinukurot ang balikat ko.

“Bilisan mo ang pagpapatakbo!” malakas na sigaw ni Mama sa driver ng taxi.

“Sorry Ma'am, meron lang po kasi tayong speed limit,” sagot nito kaya hindi na nagdalawang-isip si Mama na tumayo upang pumalit sa driver.

“Ako na,” galit na sabi niya kaya ang mabait na driver, na nanginginig sa takot, ay kaagad namang lumipat sa tabi ni Mama.

“Put your seatbelt on!” sigaw nito kaya natatarantang sinunod namin ito, kasama na si Manong driver.

“Hinaan mo lang, MAAAA!!” malakas na hiyaw ko nang halos lumilipad na ang kotse sa sobrang bilis ng takbo.

Dahil sa walang tigil na pagbilis, hindi nagtagal ay nakarating na kami sa lugar kung saan ikakasal si Dark.

Pagdating namin sa simbahan, kaagad na binayaran ni Mama ang taxi driver ng 10,000 pesos, kasama na ang bayad para sa pag-aayos ng taxi.

Lahat ng kaba at pagkataranta namin ay biglang nawala nang humarap sa amin ang malaking krus sa itaas ng simbahan.

“Simbahan ng Katoliko?” takang sabi namin sabay ng ilang beses na pagtunog ng malaking kampana.

“Nakakilala rin pala ng Diyos ang mga demonyo, ano?” komento pa ni Glow.

"Is there someone who wants to object the wedding?"

Rinig namin na sabi ni Father kaya dali-dali kaming pumasok sa nakabukas na gate at mula dito, naririnig namin ang musika ng kasal sa loob.

Pareho kaming kalmado ni Glow pero ang umuusok na hininga ni Ina ay hindi na namin napigilan.

Kaagad na inayos ni Mama ang kanyang damit sa magkabilang braso at humigop ng malalim na hangin bago niya malakas na tinulak pabukas ang malaking pinto.

“Itutol ang kasal!” malakas na hiyaw ni Mama.

Biglang napatingin ang lahat sa amin, ako naman ay kaagad na umiyak at napahawak sa tiyan.

"We object to the wedding!" galit na sigaw ni Glow. At sabay-sabay kaming nagmartsa papunta sa harapan ng groom at bride.

"Mahal, daladala ko na ngayon ang anak nating dalawa. Kaya parang awa niyo na, please, buntis ako at binuntis ako ng lalaking 'yan!" biglang sigaw ko sabay turo sa groom.

"Hoy ikaw, lalaki, pakasalan mo ang anak ko! Tarantado ka!" sigaw pa ni Mama habang pinapakita ang hawak na sandalyas nito.

"Parang awa niyo na. Yung groom niyo mismo binuntis ang kaibigan ko," naiyak na dagdag pa ni Glow na ikinagulat ng lahat.

"What!" biglang sigaw ng bride. "How dare you! A-Ashton, you're cheating on me?!" biglang sigaw ng bride.

S-sandali... A-ano daw, A-Ashton?

"What? No, baby, I never cheated on you. I don't even know them! Who are you? I never cheated on my wife! And how could I impregnate a girl that I never met before?!" galit na saad ng groom. Kaya nagtitigan kami ni Glow kasabay ng paglapit sa groom upang titigan ng maigi.

Ngek, hindi naman yan eh. Maitim tapos ang lapad ng ilong?

Tinggggggg....

"Haaaaa... ah hehehe... ah hahaha... hi sir and ma'am, what a great day to all of you. We're so blessed that you and your girlfriend are here to confess your love to God... ah hahaha what a great day... Hehehe, congratulations everyone, and it's a prank!" sigaw namin ni Glow at kaagad hinablot si Mama palabas ng simbahan.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now