CHAPTER 33

100 3 0
                                    

Malalim na ang gabi pero pareho ng mga nakaraang gabi ay hindi parin ako makakapaghinga ng mabuti.

Ang lalim ng iniisip ko pero hindi ko naman matiyak kung ano ba talaga ang rason kung bakit hindi ako makakatulog ng mahimbing.

Hindi pa umabot sa kalahating minuto ay may naramdaman na akong kakaiba.

Sa hindi inaasahan ay biglang umihip ang napaka lakas na hangin na siyang nagbibigay ng subrang kalamigan sa loob.

Kahit bumukas man ang bintana ay hindi na ako nag-aksaya pang bumaba para sirahan ito, sa kabilang palad ay tuluyan ko ng binalot ang sarili ko ng makapal na kumot.

“Ahhhh,” paglilikramo ni Glow kaya mabilis ko namang tinapik-tapik ang puwit niya para makatulog ito ulit.

Sa takot na nadama ay hindi ko na muling binuksan ang mga mata ko. Baka may biglang lalabas sa bintana abay mahirap na.

“Bloom?”

Biglang dumilat ang mata ko.

Sino bumulong ng pangalan ko? Parang pamilyar ah.

“Bloom? Psssttt.”

Mabilis kong inalis ang kumot sa mukha ko at kaagad na tiningnan ang bintana. Hindi nga naman ako nagkamali ng makita ko si Mr. Nobody dito na nakaupo.

“Ikaw na naman?” bulong ko na may halong irita.

Nagkibit balikat lang siya.

“Tsss... Wala talagang gabi na hindi mo ako pinibigyan ng nerbyos ano?”

Mahina akong umalis sa tabi ni Glow tsaka na pahakbang-hakbang na lumapit sa kaniya.

“Ayaw mo bang makita ako?” tanong nito na may halong lungkot.

“Uhmmm medyo,” sagot ko.

“Grabe ka naman. Hindi mo 'ko na miss?” pakikiawa nito.

“Hindi naman. Pero insakto, Marami tayong pag-uusapan. Hindi rin naman kasi ako makakatulog ng mabuti eh,” aniko sabay na tumabi sa kaniya.

“Ano?” Tanong nito sabay lapit ng mukha niya sa akin.

Kaagad ko naman siyang tinulak ng mahina at kaunting inayos ang buhok ko.

“Alam mo kasi-”

Napahinto ako ng biglang bigyan Ako nito ng isang puno ng rosas.

“Salamat. Bale ang-”

“Your welcome hehe,” muling pagsulpot nito ng tanggapin ko ang bulaklak.

“Oo. So iyon na nga-”

“You're beautiful,” muling pagsagabal niya tsaka ko naman siya tinitigan ng masakit.

“Pataposin mo kasi muna ako, Pare.” Iritang tono ko na nagpatawa sa kaniya.
“May nakakatawa?”

“Wala. Sige na,” aniya.

“So iyon na nga! Huwag kang sumagabal ha, ipapakain ko ito ng buo sayo.” Tango lang ang sagot niya.

“So iyon! Iyon na iyon... Nawalan na ko ng gana.” Saad ko sabay baluktot.

“Ito naman. Pero nakakatuwa ka Bloom. Medyo girly kana ngayon ikumpara sa kung sino ka noon.”

Napa smirk lang ako sa kaniya.

“Iyong mga ibang lalaki... Ah ibig kung sabihin, saan ka sa mga lalaking tumulong sa akin?”

Kaunting tahimikan ang namagitan sa amin.

“Hoy,”

“Anong mga lalaki, Bloom?” Tanong nito.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now