CHAPTER 41

97 1 0
                                    

Tahimik akong nakahiga ngayon sa kama. Nakatingin sa itaas habang binabalik-balikan ang mga sinabi ni Dark.

“Lagi kang mag-iingat, Bloom. Masyadong mapanganib sa inyo ni Ace ang Lugar na ito kaya kung maari ay lumayo-layo muna kayo.” Bilin nito bago tumalikod at iniwan ako kay Cloud.

Pagkatapos noon ay hinatid na ako ni Cloud pauwi. Kinausap narin ni Cloud si mama. Hindi ko narinig ang mga pinag-usapan nila, basta ang alam ko lang ay kaagad na nag impake si mama ng mga gamit at sabay kaming umalis.

Bumyahe kami ng dalawang oras para makapunta sa lugar na sinasabi niyang ligtas ako.

Nag-iisang bahay sa itaas ng bukid na kung saan pinapalibutan ng matataas na mga puno. Masyadong madulas rin ang daanan paakyat dito kaya mahihirapang pumasok ang mga gustong dumukot sa akin.

Kahit makikita sa mukha ni mama ang higpit at takot ay nanatili parin akong kalmado.

Minsan napapaisip nalang ako kung talagang may puso pa ako. Nagmukha nanaman akong bato na hindi nakakaramdam ng kaba o ano.

“Bloom?” Maiging bumukas ang pinto sa kwarto ko.

“Ma?”

Pumasok ito at mahinang umupo sa tabi ko.

“Bloom, anak. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari sa buhay mo, kahit ako nga rin anak e.”

“Okay lang, Ma. Hindi naman ako masyadong naguguluhan e.”

“Huh? Bakit?” taas kilay na tanong niya.

“Iwan ko ba ma. Parang may mali sa akin. Naalala niyo pa ba iyong mga araw noong bata pa ako? Pasaway ako ano?”

“Hanggang ngayon parin naman anak a. Akala mo ba nagbago ka?” pang-iinsulto nito.

Kaagad naman akong nag-taas ng kilay sa kaniya. “Kunti ma. Maliit lang,” kalot batok na sagot ko.

“A siguro para maliwanagan kana rin, sa tingin ko kailangan mo ng malaman iyong totoong kadahilanan nito,” laglag balikat na saad niya sabay na pinatay ang ilaw ng kwarto at pinailaw ang mga kandila.

“Ma, natata-” bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Kinuha niya ang isang upu-an at nilapit ito sa harapan ko sabay na hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Bago kami ikinasal ni papa mo, si Lola mo sa side ni daddy mo ay may hininging kahilingan sa amin. Isa sa magiging anak namin ang kukunin nito upang sumuot ng itim na korona habang ang isa naman ay mananatili sa tabi namin. Alam mo naman na hindi ka nag-iisa, mayroong kapatid ka sa side ng papa mo. Supposed to be bloom ikaw ang napupusu-an ng hari noon pero dahil sa away namin ng Daddy mo ay itinago ka namin at iyong kapatid mo ang binigay namin kay Lola mo at sa hari sa kapalit na ikaw.”

Huminga muna ito ng malalim na hangin bago ulit nagsalita.

“Lumayo kami ng Daddy mo sa siyudad at pumunta rito sa probinsya. Namuhay tayo sa gitna ng gubat kung saan walang tao ang tumitira. Kahit mahirap sa part mo ay lumaki kang ligtas. After 10 years of secret living, muling ipinatawag si papa mo ng Lola mo. She told him to let her see her other granddaughter before she died... Sa subrang takot ko noon na magkita kayo ng Lola mo ay inalayo kita kay papa mo. Natatakot ako sa maaaring mangyari, Bloom. At the end, namatay ang Lola mo na hindi ka nakikita. Nagalit si papa mo noon pero dahil sa pagmamahal niya sa atin ay binaba niya ang kaniyang puwesto upang bayaran lahat ng penalty at offense sa nagawa... k-kong kasalanan.”

Nagsimulang pumatak ang mga luha sa kaniya mata kaya kaagad ko siyang niyakap.

“Takot akong mawalan ng Baby Bloom. I'm sorry kung minsan lang kayo nagkikita ng papa mo Bloom. Because of my fear of losing you nagawan ko kayo ng wall ng papa mo. I hate me in a way na kailangan pang kumayod ng Daddy mo sa loob ng limang buwan na halos 24/7 ang pagtatrabaho kapalit lang ng isang araw na pagyakap sa atin.”

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now