ALAS SAIS. Umagang-umaga ay makikita na sa mukha ni Glow ang labis na pagmamadali.
Bubukas ng bintana, tapos bubukas ng kabinet upang hakutin ng mga gamit niya doon.
“Hoy! Ayos kalang ba?” kunot noong tanong ko.
“Bloom gumising kana, kailangan nating sumuot ng universal uniform ngayon,” aniya.
“Huh? Uniform? Ano iyon?” Tanong ko.
“Hindi tayo makakapasok ng gate kapag hindi tayo nakasuot no'n,” dagdag pa niya.
“Eh... Wala ako niyan eh,” Saad ko.
“Kaya nga... Tumawag na ako sa fashion designer ni Tita at sabi niya baka matagalan daw bago matapos,”
“O ganon naman pala eh. Relax!” sambit ko sabay higa upang matulog ulit.
“Ehhhh... late na ko!” sigaw nito.
“Eh wala kang magagawa. Kung ako sayo umupo ka at mag relax.” aniko.
“Hindi ako mag r-relax... May individual reporting kami ngayon!” Nagmamadaling sabi niya sabay tapon ng mga damit niya sa kabinet.
“Ano ba kasi ang hinahanap mo?” iritang tanong ko habang nakatitig sa kaniya ng pabalik-balik.
“Iyong lumang uniform ko!!” Malakas na sigaw nito.
Agaran akong napatayo upang saluin ang kadramahan nitong kaibigan ko.
Niyakap ko ito na ngayo'y naiiyak na. Iwan ko ba kung gaano kaimportante iyong lumang uniform niya.
“Imbis na umiiyak edi tutulungan nalang kitang maghanap,” pagtatahan ko sa kaniya.
“Hindi ako nakapag study kagabi Bloom huhuhuhu... nalimutan kong reporting ko pala ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ito e present.” Saad nito.
“E malay ko ba kung ano ang mga pinangsasabi mong present e lagi ka namang present. Nag-aaral ka naman ng mabuti, papagalitan ka pa ni teacher mo?”
Nagulat ako ng biglang itong tumahimik at masakit na napatitig sa akin.
“Kairita. Ang layo-layo mo Bloom eh! Nasa pilipinas ako, ikaw nasa London na!”
“Luhhh aano ako sa London? Sino nagsabi sayong pupunta ako ng London?” Inosenteng tanong ko ng mapakalot ng buong ulo si Glow.
“Wala! Sabi ko wala!” sigaw nito habang tumatadyak palayo.
“Ayaw mo ng maghanap-”
“Ayaw!” sigaw niya.
O. Anyari doon?
Pinabayaan ko nalamang siya at muling niligpit ng maayos lahat ng mga kinalat niya.
Lumapit ako ng bintana upang buksan ito ng biglang malaglag ang isang bulaklak at isang sulat dito. Ang sweet talaga ni Mr. Nobody. Lagi nalang talaga.
Parang nagkakagusto na sa akin ang maligno ah. Iwan ko ba kung totoong tao siya o taga ibang mundo, bigla nalang sumusulpot at lumilisan.
Pahawak-hawak Ako sa beywang ko habang naliligo sa shower. Matapos maligo ay kaagad na akong sumuot ng hoodie ko at jagger sa ilalim naman ang itim na tennis.
“Yehay!!! Bloom walang klase!!!” sigawan ni Glow sa labas ng kusina.
“What the f*ck. Talaga!?” sigaw ko ng biglang yakapin niya ako ng mahigpit.
Tsk. Gusto ko pa namang makita si Dark ulit. Na m-miss ko na bosis niya huhuhu.
“Hoy okay ka lang ba?” tanong niya.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...