CHAPTER 34

90 4 0
                                    

Alas sais ng umaga ng bumyahe ako papuntang paaralan.

Pagkatapos kong ihatid si Glow papunta ng room niya ay agaran na akong bumisita sa silid ni Cloud.

“Good morning,” bati ko ng makapasok.

“Bloom, good morning din,” aniya.

Kaagad na nitong kinuha ang guitara niya kasi alam niya namang iyon ang pinunta ko dito. Iyan iyong mga taong may mindset ba.

“Bali nag stop tayo kahapon sa last stanza. Which is iyong last chorus. So iyong ituturo ko nalang sayo is iyong pag change key, right?”

Hindi ko man gaanong naiintindihan pero dahil sa kakaunting salita na nasasabi tungkol sa music e nag kaintindihan naman kami. Hearing lang kasi ang laging ginagamit ko sa tuwing tumutogtoh ako ng guitara.

“Okay, so iyong pattern non sa last is same lang naman sa main chorus, iyong parang nag back to chorus lang tayo. Pero iniba natin ng kaunti iyong pag-ipit ng chords. Gets mo?”

“Oo naman. Ako pa,” pagmamayabang ko.

“O sige. Let's start,” anito sabay na pinakaskas ako ng guitara.

Ilang minuto na akong pabalik-balik na kumakaskas pero hindi parin ito nagsasalita ng sunod kong gagawin.

Nasa posisyon kasi kami na kung saan nasa likuran ko siya habang hinahawakan namin pareho ang guitara. Nasa gitna kasi ako ng mga bisig niya para mas madali nitong ma control ang bawat galaw ng mga daliri ko sa pagtugtog.

Makikita sa repleksyon nito sa salamin na tutok itong nakatitig sa akin habang nakatagilid ako.

“Cloud.” Sabi ko sabay siko sa kaniya.

Kaagad naman itong matauhan tsaka na napatingin sa guitara.

“Ay sorry... Saan na tayo?” Tanong niya.

Napatawa nalang ako ng malakas. “Aminin mo. Aminin mo... crush mo ako ano?” mikos-mikos ko.

“Hahaha hala... Ano ka ba,” saad nito habang namumula.

“Tsss... Nagbibiro ngalang eh. Alam mo pare, parang kaugali mo si pogi kung gabi,” sambit ko.

“Pogi? Sino?”

Hindi na ako nagsalita at binigyan nalang ng tamang pokus iyong guitara.

“Oy sino?” nakangiting tanong niya.

“Wala. Hindi mo naman siya kilala eh.” Sagot ko.

“Iyon naman pala eh. So sino?”

Binitawan ko saglit ang guitara tsaka siya hinarap.

“May lalaki kasing bumibisita sa akin gabi-gabi. Lagi siyang naka suot ng itim pero mabait siya. Nang una ay nakakatakot ang bosis niya. Pero ng naging magkaibigan na kami ay naging mabait na siya sa akin. Siya nga laging... Cloud?”

Napatawag ako sa pangalan niya ng maramdaman kung nag-iisip ito ng malalim. Naka angry birds kasi ang mga kilay niya na para bang ang tulis ng pag-iisip niya sa sinabi ko.

“Bloom!” agaran niyang hinawakan ang mga balikat ko.

Nakadilat ang mga mata niya at ang higpit ng paghawak nito sa braso ko.

“S-siya... Siya iyong lalaking hinahabol nila. Bloom, mag-iingat ka.” Pag-aalog nito sa akin.

Napakunot ako ng noo. “Nandito nanaman tayo sa pag-iingat eh-”

“Gabi-gabi ba siyang dumadalaw sayo? Tama, kailangan kong tawagan so Glaze at Dark nito. Tika lang,” Saad nito tsaka na tumayo at kinuha ang cellphone niya.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now