CHAPTER 31

102 5 0
                                    

A/N: I'm sorry guys... Sunod-sunod kasi ang mga exams and projects ko sa school kaya hindi ako nakapag-update for almost a month. I can say na ibang-iba na talaga ang high school life sa college life, I hope you can forgive me.

Thank you for your restless support. No worries because no matter what happen, I won't stop writing. I'll rest but never stop.

>) PenMelody >3

**************

Toktoreok!!!! Ingay na ng tatlong manok ang aking narinig ng ako'y magising, alas seyete na ng umaga.

Taimtim akong nakahiga sa isang sofa na makikita sa labas ng bahay namin.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang isang damit na nakasabit sa balikat ko.

Isa itong itim na jacket na mayroong marka ng isang kalaberang ulo.

Sa subrang tahimik ng paligid e ang pangalan lang ni Mr. Nobody ang naririnig ko sa kukuta ko.

“M-Mr. Nobody?”

Mabilis kong niyakap ang jacket tsaka unti-unting napatayo buhay-buhat ang bigat at sakit ng ulo.

Ng maramdaman ang init na sikat ng araw ay dali-dali akong pumasok ng bahay upang mag bihis.

Kung saan ako unang dinukot e dito rin Ako mismo bumalik. Apaka bobo naman ng mga bumitbit sa akin dito.

Ano nalang mangyayari kung bumalik at sinundan kami ng kalaban e nadukot nanaman ako!

*/Phone Ring

“Hello!” Tanong ko.

“You fine?” isang mababa at mabilog na bosis ng lalaki ang sumagot sa akin.

“S-sino ito?” pormal na tanong ko.

“You fine?” muling tanong niya.

“O-opo,” tanging naisagot ko.

“Okay, bye.” sagot niya tsaka binababa ang tawag.

“H-hello? Ang bastos! Hello!?”

Imbis na magalit ay napahandusay ako sa gilid ng pinto. Isinandal ko ang ulo ko tsaka na dinamdam ang hanging pumapasok sa bintana.

“Glow,” tawag ko sa pangalan ng best friend ko habang nakapikit ang mga mata.

Iwan ko ba pero natatakot na akong lumabas at lumakad pa papuntang paaralan. Baka makasalubong ko nanaman ang hindi kilalang mga tao.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ng muling tumawag ang parehong contact number.

“Ano?” tanong ko.

“Papunta na si Cloud giyan.”

“Ano? Sino to? Ah sige salamat... Tika, sinong clo-”

Biglang pinatayan ulit ako ng tawag.

“Wait lang. Takye naman!”

Mabilis akong napatingin sa cellphone ko.

5% ito kanina o kahapon ah... Bakit 10% na to ngayon? Chinarge ba nila ito bago ibalik sa akin? Avaaaaa... Mga Loko din itong mga kidnapper ah.

Pati ata gallery ko pinakialaman pa. Isa pa sa mga epic kong picture ang ginawang wallpaper ng cellphone ko. Tsk.

“Bloom?”

Mabilis akong napabalikwas at kaagad na napatunganga sa labas ng bintana.

“Glaze?” sambit ko tsaka dali-daling lumabas ng pinto.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now