Chapter 48
I stopped crying. I also stopped thinking about him. He thinks he's mighty and great! For all goodness sake! Ako dapat ang upset and hindi siya. Ako dapat ang galit at hindi siya. Ang tindi rin niya, e. Inintindi ko siya noong si Pauline ang pinili niya. Ako pa rin ba ang iintindi ngayon kahit siya na ang mali?
"Pero sure kang gatas talaga ang iinumin mo?" Naki-invade na muna ako ngayon dito sa apartment ni Erick dahil tingin ko kailangan ko siyang makita, kailangan kong magsumbong. "Ang weird mo."
"Bawal ako ng alak." Kinain ko ang cookies na nasa table. Magpabili kaya ako ng maraming cookies? Oh no! Nahihilig talaga ako sa matamis lately.
"Bakit? May sakit ka ba?" Lumapit pa ito sa akin at kinuha ang isa sa mga alak na ipinaharap niya kanina.
"Wala, kumusta na pala kayo nung babae mo?" Natatawa itong umiling bago niya kinuha ang gitara niya.
"Babae talaga ang tawag mo sa kanya? Pero kalimutan mo na, hindi yata kami para sa isa't isa. Niligawan siya nung kaibigan ko tapos sinagot naman niya."
"Seryoso? Kahit na alam niyang gusto mo yung babae?" ibinaba ko ang gatas sa lamesa at muling kumain ng cookies.
"Alam naman nilang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakamove on..." Tinignan niya ako saka itinuon ang pansin sa gitara niya. "Sa'yo. Kaya ayos lang din."
"Erick."
"It's okay. At least you're happy." Tumingin siyang muli sa mga mata ko. "Or not? May problema ka ba? Umiyak ka ba?"
"Give me ten reasons nga why I didn't choose you? You're a good catch naman and a good person. Hot ka rin naman."
"Siguro kasi marami na tayo masyadong alam sa isa't isa. Sapat na para mafriendzone ang isa sa atin." Sumimangot ako at pinagmasdan ang buong apartment niya. Ito ang unang beses kong pumunta rito simula noong nakakuha na siya ng apartment. Ang sabi niya sa akin ay uuwi na rin ang kapatid niya this week. "Tama na nga, pinapamukha mo lang sa akin na nafriendzone ako. Pero umiyak ka ba?"
Umiwas na ako ng tingin at pinaglaruan ang baso ko. Bakit ba ako pumunta kay Erick? Mamaya niyan magselos na naman 'yung bakulaw na 'yon.
"Kung may problema kayo, mag-usap kayo." Payo nito na para bang alam niya ang nangyari. "Kung walang lalapit sa inyo ni isa, walang mangyayari. Gusto mo?" Alok muli nito sa alak. "Dati naman kahit may sakit ka umiinom ka."
"Erick," itinungga nito ang bote. "I'm pregnant." At literal na naibuga nito ang iniinom niya sa mukha ko.
"Gee, Erick! You're so gross!" Naglabas kaagad ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko. "Paano kung may bacteria?"
"You're pregnant?" Bumaba ang tingin nito hanggang sa tiyan ko. "You're kidding." Umiling-iling pa siya bago sumandal sa upuan at tinitigan akong maigi na para bang isa akong test subject. "Nantitrip ka lang." Nakangiti pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz