CHAPTER 44 Part 2
Bun in the oven
“Miyuki, I AM NOT! So stop! Hindi ako pwedeng mabuntis. Naiirita lang ako sakanya kasi ayaw niyang isuot yung funny clothes niya! Alam mo naman siguro ‘yung feeling na gusto mong tumawa pero hindi ka makatawa kasi wala namang nakakatawa? Ganun! Gusto ko siyang pagtawanan pero hindi niya ginagawa.” Inilayo ko ang cake saakin at tumayo na ako. Tumataba lang ako. Masyado lang akong matakaw lately. Tama! Hindi ako buntis, maaring may bulate ako sa tiyan kaya lagi akong gutom at lumalaki ito. OMG! Gross! No way! Hindi ako pwedeng mabuntis at lalong-lalong hindi ko tanggap na may bulate ako! Like oh my God!
“I’m going. Iniinis mo lang ako saka isa pa, si Gail ang buntis at hindi ako.” Dagdag ko pa.
Hindi ako buntis. Hindi talaga ako pwedeng mabuntis. At kaya naman lumalaki na ang tyan ko ay dahil puno na ito ng regla! Tama! Hindi pa ako nagkakaroon kaya malaki ang puson ko. Puson ang malaki o kaya naman sadyang lumalaki lang ang bilbil ko? Oh ghad! The terms JL! Hindi ka ba pwedeng magkaroon ng poise sa mga ganitong pagkakataon?
Keep calm JL and take a deep breath! Maari ring tumubo at nagkaroon na ng bunga ang nalunok kong buto ng pakwan! Tama, kaya siya namimilog kasi may bunga na sa tiyan ko. You’re so smart JL! Maaring isa sa mga naisip ko ang tama. Kasi I believed na walang nangyari sa amin nang gabing iyon! Dapat lang na wala kung hindi ay sasakalin ko talaga siya at sasakalin naman ako ng lola ko.
Isip JL! Isipin mong mabuti kung ano ang nangyari nang gabing iyon! Isip.
“Ah JL! Sandali, naiwan mo ‘to.” Hinarap ko si Miyuki at hinanap kaagad ang sinasabi niyang naiwan ko. Wala naman akong nakitang hawak niya.
“Ang alin?”
“Ito.” Nakangiti siya at ibinuka ang mga palad niya. “Sa ‘yo ba ‘tong bracelet? Kasi wala akong ganito.” Bracelet. Napalunok ako at tinignan ito pero pagkakita ko palang ng bracelet na iyon ay parang biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari. Oh my God! No freaking way!
***
HOURS LATER
Walang bulate! Hindi rin regla at lalong walang watermelon!
Positive. Nagpregnancy test ako kanina and it’s positive! Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi pwede ngayon. Ano nalang sasabihin ko sa lola ko? Sa tita mommy ko? Paano na ang med school? Tapos itong si D ay hindi pa sinasagot ang phone niya! Nag-cellphone pa siya pero hindi naman pala niya gagamitin! Peste!
Answer your damn phone D! Goodness! Ngayon mo pa talaga naisipang huwag sagutin ang tawag ko? Anong klase kang boyfriend?!
At dahil hindi pa rin niya ako nirereplyan ay nagsend pa ako ng isa pang text sakanya.
Meet me halfway. Or else!
Hindi ako nagcommute pabalik para lang walang makausap doon! Gee Damian! Bakit ba hindi mo ako sinasagot?
Ilang minuto pa ay nandito na nga ako sa tapat ng bahay nila. Ilang beses kong pinatunog ang doorbell nila bago lumabas si D na nagkakamot pa ng ulo, nakashorts at walang suot na pang itaas. Dang! Bless you abs. You made my day. Well, at least.
“Jeling?” Hindi ako madadala sa husky niyang boses. Hindi ako madadala ng magulo niyang buhok at lalong hindi ako madadala sa abs niyang nakabalandra sa harapan ko. “Bakit ka nandito? Ang sabi ng lola mo umalis ka. Pumasok ka muna.” Umupo na muna ako samantalang siya naman ay pumunta pa sa kusina at kinuhanan ako ng maiinom.
“Gabi na, ah. Bakit nandito ka pa?” Tanong pa nito habang nagkakamot sa bandang dibdib niya. Stop that D! Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin nanaman sa katawan niya at mapalunok. Kung nagkataon, ‘yang katawan na ‘yan ang humalay sa akin! Maswerte ka JL... what? No! Wala siyang pakundangan!
Umiling-iling ako para tuluyan na nga akong maibalik sa katinuan. Ininom ko rin ng straight ang juice na inilagay niya sa harapan ko..
“Wow. Ang lakas mo talaga uminom ng juice ngayon. Nakakatuwa, gusto mo pa ba?”
“At ikinatuwa mo pa?” Ipinatong ko sa mesa ang walang lamang baso at humalukipkip.
“Nakakatuwa ka kasi. Hindi ka na rin nagda-diet kaya natutuwa talaga ako para sa ‘yo.”
“Nananaba na nga ako tapos nakuha mo pang matuwa?”
“Ano namang masama kung tumaba ka?” Nang-aasar pa siya, e!
“Kung sabihin ko kaya sayong buntis ako? Matutuwa ka pa? Ghad!”
Unti-unti ay biglang naglaho ang mga ngiti niya. Ilang beses din siyang napalunok at kumurap-kurap. Gee! Hindi ito ang reaksyon na inaasahan ko sakanya. He should be rejoicing dahil matatali niya na ako! Binalak niya ‘to, e! Sigurado ako!
“Paano ka nabuntis?” literal na napanganga ako dahil sa tanong niya. Talaga bang seryoso siya sa tanong niya?
“Natural nakipag-sex! Ano ba?”
“Kanino?”
“E, sino bang boyfriend ko? Suntukin kaya kita?”
“Ako.”
“O, edi ikaw.”
“Paano? Kailan?” Oh God help me! I’m so angry right now! And swear I’d kill him if he can’t remember that!
“That night! That night you gave me this!” inilapag ko ang bracelet sa coffee table dahil na rin sa inis. Damn bracelet! Dapat talaga hindi na niya ibinigay saakin ‘yan noong lasing ako! Dapat hindi niya ibinigay ‘yan noong lasing siya! “Hindi pa nag-start ‘yung pasok pero hindi na ako makakapasok! D! Paano na ako mag-aaral kung buntis ako? Kapag nanganak na ako? Uuuhh! Naiinis ako. Unang beses na ngang ginawa talaga nag-goal ka pa!” Kainis!
“Pero JL,” Tinignan ko siya na ngayon ay mukhang malalim na ang iniisip. Nakatingin lang din siya ngayon sa bracelet at parang inaalala ang mga nangyari. Sa totoo lang ay parang nagiging clear na nga lahat sa akin ngayon. “JL.” Napasuklay pa siya ng buhok niya gamit ang mga daliri nito. “Ikaw ba ang gumawa ng first move?”
Ngayon na sinabi niya ‘yan ay mas lalo pang naging clear ang mga lahat ng naganap. Sht! Pakiramdam ko’y lahat ng dugo ko ay biglang umangat sa mukha ko. No way!
Gees! I really did the first move!
*******
Guysssuuuu natapos ko na ang manuscript ko sa SL3 Vol 2. Magdiwaaaang! *O*
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz