Chapter 33: Hormones
Tulog pa si Lance nang umalis kami sa bahay nila. As if naman gusto ko siyang makita after niya kaming makita ni D na naghahalikan sa nakasaradong kwarto! Baka kung ano na ang iniisip niyon tungkol saakin. Ang matindi pa nito ay baka nakwento na niya sa asawa niya! Like omg! Sobrang daldal pa naman niya kay Miyuki at kapag nalaman iyon ni Miyuki tiyak ay makakarating na ‘yon sa iba.
“Kanina mo pa ako hindi kinikibo. Galit ka ba saakin?” Nasa isang restaurant kami ngayon para kumain ng tanghalian. Siya na ang pinag-order ko ng pagkain dahil hindi ko na naman alam kung ano ang gusto kong kainin.
“Bakit naman ako magagalit?” Tinitigan ko siya at para bang wala siyang idea sa mga nagaganap. Hindi naman siya gaanong lasing kagabi kaya tingin ko ay natatandaan pa niya ang mga nagyari. Hindi nga yata siya nagkaroon ng hangover.
“Wala naman. Wala ka naming ikakagalit.” Nakangiti pa nitong sagot saakin. Alam naman pala niya pero magtatanong pa. Nakakaasar talaga siya “Gusto mo bang sumama mamaya? Tuturuan ko si Kit mag-drive.”
“Hindi ba nakakatakot? First time ba niya?”
Dumating na ang mga inorder namin na pagkain.
“Nung first time mo ba magdrive, nabangga ka ba? Malamang hindi kasi common sense naman na mag-iingat ka.” Maka-common sense naman! Gee.
“Fine. Pero siguraduhin mong magaling kang magturo dahil kung hindi masasapak talaga kita kapag may nangyari saamin ni Kit.”
“Sainyo lang talaga? Hindi ka concerned saakin?” Nakangiti niyang tanong saakin bago umpisahang kainin ang inorder niya.
“Shut up D.”
“I like it when you’re embarrassed.” For shit’s sake! Hindi nalang siya manahimik.
Umuwi na muna ako sa bahay para makaligo at makapagbihis, sinundo naman ako ni D ng 3pm. Si Kit ang nasa passenger’s seat kaya naman sa likod na ako umupo.
“Hi ate JL. Kumusta? Walang pasok kaya hindi kita tatawaging Ms. Cruz nakakakilabot.”
“Fine.” I said rolling my eyes.
“Ano? Magpalit na tayo?” Tanong ni D sakanya na kaagad namang sinagot ng oo ni Kit. Oh God! Kakabahan na ba ako?
Nagpalitan na sila ng upuan at hindi ko alam kung dapat na ba akong bumaba habang nasa tapat pa ako ng bahay namin.
“Alam mo naman siguro kung nasaan ang clutch, brake at gas?”
“Oo naman.” Huminga ako nang malalim nang tumapak na si Kit sa clutch at ibinaba ang handbrake.
“Dahan-dahan lang.” I said na dahilan naman ng pagtawa ni D. Kinakabahan na nga ako dito tapos tatawanan pa ako. Bakit ba ako pumayag na sumama sakanila? “Ibaba niyo nalang kaya ako?”

BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
Chick-LitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz