Chapter 24: Meanie

54K 1.2K 106
                                    

Chapter 24: Meanie

 

Attracted siya saakin.

Attracted din naman ako sakanya.

Idinukmo ko ang ulo ko sa lamesa at nagpasya munang mag-stay sa faculty room. Mamaya pa naman ulit ang klase ko. Hindi rin ako makapag-focus sa mga itinuturo ko dahil masyado akong distracted sa nangyari kaninang umaga. Parang free period lang tuloy kami kanina dahil hinayaan ko lang na mag-aral sila para sa ibang subject.

“Ms. Cruz.” Inangat ko ang ulo ko only to find out na nandito ang isa sa mga estudyante ko. Marahil ay pinapasok na siya ng isa sa teachers na nandito rin ngayon sa loob.

“Bakit?” Umayos ako ng upo at iniharap ko ang upuan ko sakanya. Tinakpan ko pa nga ang noo ko dahil tingin ko ay namumula na ito.

“Pwede po kayang hiramin namin ang oras ng klase natin bukas tutal advance naman na po tayo sa lesson. Para po sana sa makeup class sa math.” Math. Si Pauline ang teacher nila, bakit hindi siya ang humingi ng permiso? Ibibigay ko naman basta huwag bukas at hindi sila bumagsak sa quiz ko.

“Hindi pwede bukas. May quiz kayo.”

“Pero kasi---“

“May mga bagsak pa sa klase ko at ang quiz na ‘yun ay para makahabol ang mga dapat pang humabol.”

“Ibigay mo na.” Nasa likuran ko na pala si Damian at nakikinig sa usapan namin ng estudyante ko.

“Hindi pwede, D.” Tinignan ko pa siya ng masama bago ko muling ibinaling sa president ng klase ang mga tingin ko. “Sabihan mo ang mga kaklase mo na mag-aral sila para sa quiz bukas dahil kapag bagsak sila, hindi ko ipapahiram kay Ms. Pauline ang oras ng klase ko.” I said dismissing the topic. “You can go now, Ms. President.” Nginitian ko siya at hinintay ko siyang umalis sa harapan ko bago ko tinanggal ang blazer ko at muling idinukmo ang ulo ko.

“Je---Goddamnit.“ Ngumisi ako dahil rinig na rinig ko ang pagkainis sa boses niya. He even cleared his throat bago ako muling tinawag. “Jeling.” This time ay mahina na ang boses niya at saktong pagharap ko sakanya ay nag-iwas siya ng tingin. Mas lalo tuloy lumaki ang ngisi ko sa mukha. “Don’t call me D. Ang pangit kasi.” Reklamo nito.

“Arte! Nakakatamad kasing sabihin ang Damian.”

“Edi Carding. Cards o kaya---“

“Ayoko. Ang baduy mo talaga kahit kelan.” Napakamot siya ng ulo dahil sa sinabi ko.

“Ikaw nagbigay saakin ng pangalang Carding kaya ikaw ang baduy.” Sabi niya na hindi pa rin nakatingin saakin. Bastos kausap.

“Edi ipabago mo na ang pangalan mo. Papalitan mo na. Simplehan mo. Yung tipong Lance para isang syllable lang!”

“Hoy huwag kayong mag-away dahil sa pangalan ni sir Romo.” Sabi ng napadaan na teacher sa harapan namin na hindi naman namin pinansin.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon