Chapter 1: So freaking wrong!
Everyone has a story. Mine, started wrong.
“You b*tch! How dare you? Maganda ka niyan? Ano? Dahil mayaman ka? Matalino ka niyan? Nagmamaganda at feeling mayaman ka lang naman e!”
This place isn’t awesome at all. Ang dami kong naaalalang hindi naman dapat. My story is complicated. My story is still ongoing and it’s still not quite damn right. Naaalala ko pa kung paano ako itrinato nang iba noon.
But here I am. Bumalik pa rin ako despite sa mga naranasan ko rito. I came back to my senses when my phone rang. It’s Miyuki. Hindi ko na sana sasagutin pero sinagot ko pa rin. Sometimes, I’m weird.
“JL! Finally! Alam mo ba? Namimiss na kita.” Feeling ko ang pangit niya ngayon habang sinasabi iyan. Nakatingin lang ako sa nails ko habang naglalakad at pinapakinggan ang sinasabi niya. Nonsense lang naman lahat ng iyon kaya hindi ko na masyadong pinansin ang mga pinagsasabi niya. She’s pregnant and she’s annoying.
“Not gonna tell you.” Sagot ko nang tanungin niya ako kung saan ako lumipat.
“Please? I wanna see you.”
“Still, a no. Si Lance ang kaibigan ko at hindi ikaw. Kung may gusto man akong makita ay si Lance iyon. Hindi kita pagbibigyan kahit buntis ka pa.” Tingin ko sira na ang nail polish ko. Magpamanicure kaya ako? I haven’t asked Gail yet kung anong kulay ang in-apply niya. Ang sassy kasi ng dating ng nails niya last time na nakita ko siya.
“Nakikinig ka ba? JL?”
“Obviously, no. I’m hanging up. Tell Lance I said hi.”
“MEAN!” Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Isa sa mga rason kaya umalis ako doon ay para malayo sa sakanya. Lagi niya akong ginugulo! Wala na ba siyang ibang kaibigan na magulo at ako naman ang pinupuntirya niya? Palibhasa ako ang pinaglilihian niya. Baka pumangit pa ako nang dahil sa ginagawa niya. Nakakastress siya.
Pero hindi naman talaga dahil sakanya kaya ako umalis. Kailangan ko lang din talaga samahan si lola. Hindi ko siya pwedeng iwanan mag-isa.
Muli kong tinitigan ang nails ko. Hindi naman siguro nila ipagbabawal sa mga teacher ang may nail polish.
***
Gabi na nang makarating ako sa bahay ni lola. Pinagalitan niya ako dahil hindi raw ako nagsasabi kung anong oras ako uuwi ngayon. As if naman she can use her cellphone na.
“La, chill. Yung presyon mo. I’m here na oh. Isa pa ibinili kita ng paborito mong apples.”
“Jeling hindi ako nadadaan sa suhol.”
“La naman. I told you before na JL na dapat ang itawag mo saakin. I’m in my early twenties na. Hindi naman pwedeng Jeling ang itawag mo saakin. So baduy.” Dumiretso nalang ako sa kusina at inilapag ang pinamili kong mga prutas. “Manang pahiwa naman si lola ng isang apple nang hindi na niya ako nakikita.”
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz