Chapter 6: Feeling Superhero

74.4K 1.4K 96
                                    

Chapter 6

“Feeling Superhero”

 

“Sasama ka ba saamin mamaya?” Umupo sa tabi ko si Leonna. I don’t know what she’s up to. Wala naman siyang mapapala saakin kung kakausapin niya ako.

“At bakit naman ako sasama?” Hindi ko siya tiningnan at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pagbabasa ng mga sagot ng mga estudyante ko sa essay. Gosh! Hindi nanaman sila nag-aral.

“Kasi sasama ang lahat at no choice ka kung hindi sumama.”

“Ano bang gagawin?” This time ay hinarap ko na siya.

“Kakain, iinom. ‘Yun lang naman. Bonding.” She said while shrugging. She’s weird.

“Fine. I’m going.”

Ngumisi siya bago sumagot. “Great. See you.”

“Eew! Tumutulo pa ang laway.” Kumento niya sa natutulog na si Damian. I rolled my eyes after she left. Plastic. Halatang napilitan lang na yayain ako. Ang arte pa. Lahat naman siguro ng taong stressed ay naglalaway kapag natutulog.

Tumingin ako sa orasan. Wala na akong sunod na klase kaya pwede pa naman akong umuwi at magbihis. The problem is, hindi ko alam kung saan magkikita mamaya? Nasa klase na ang karamihan sa faculty at ang tanging natira nalang dito ay si Damian. Nakasubsob ang ulo niya sa lamesa at natutulog.

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Mukhang pagod na pagod talaga siya. Naka-awang ang bibig nito at tumutulo nga ang laway niya tulad ng sabi ni Leo kanina. Tsk.

Tumayo ako at kumuha ng tissue. I can’t stand it kasi. Kadiri man pero lumapit pa rin ako at pinunasan ang laway niya. Ugh. Why am I even doing this? Masyado talaga akong naging maalaga sa mga tao.

“Uhm.” Lumayo ako nang gumalaw siya. Naiwan tuloy na nakadikit yung tissue sa bibig niya. Pagtatawanan ako ni Mariano and even Miyuki kapag nakita nila ang ginawa ko.

Tuluyan nga akong lumayo na sakanya at umupo nalang dahil umupo naman na siya nang maayos at saka pinunasan ang laway niya. Natawa nalang ako dahil nagulat siya nang may makita siyang tissue. Kadiri talaga.

Doon ko lang din napansin na hindi pala makulay ang damit niya ngayon medyo nagdala lang siya ng isang buong zoo dahil sa mga black print na mga aso’t pusa sa white polo niya. It’s cute actually, hindi naman baduy. Pwede na.

Nag-inat pa siya na akala mo naman ay walang bukas bago niya tuluyang napansin na nandito ako at nakatingin sakanya.

Staring is becoming my habit lately. Gees!

“B-Bakit?” Tanong niya saka ulit nagpunas ng  bibig niya.

“You tired?” I asked.

“N-Napuyat lang. Nagbantay kasi ako sa ospital.” Paliwanag nito.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon