CHAPTER 46
"But D! Hindi naman 'yun kasi ang tinutukoy ko! Sira ka ba? Natanggal ba 'yang utak mo? D, ang tinutukoy ko 'yung ano! Yung nakita mo akong sabog. Yung nakita mo akong bagong gising, hindi pa naligo at higit sa lahat ay sabog at hindi pa nagtoothbrush!" Gusto ko siyang sabunutan! Gustong-gusto ko siyang sabunutan talaga kaso paano kung siya ang pinaglilihian ko? Ayaw ko naman na kalbo siya kung talaga ngang siya ang pinaglilihian ko!
"Seryoso?" Good Lord! Bakit po ba ako nagkaroon ng boyfriend na katulad niya? Pinaparusahan niyo na ba ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko noon kay Miruki? Pero diba nga, ang pagiging kaibigan pa lang nina Mariano at Miyuki ay isang malaking parusa na sa akin. Bakit nadagdagan pa?
"Seryoso." Sabi ko pa. "Ayaw kong makita mo akong hindi nakapag-ayos. Ayaw kong nakikita mo akong sabog. Ayoko." Umupo ako at nasapo ko na lang ang mukha ko sa inis. "Kawawa naman ang pakwan sa loob ng tiyan ko. Nai-stress nang dahil sa iyo."
"Pero talaga bang magiging daddy na ako?" Kahit hindi siya nakangiti alam kong natutuwa siya. Alam ko dahil kitang-kita naman ang kinang sa mga mata niya. Isa pa, lumapit pa talaga siya at para bang gusto niyang hawakan ang tiyan ko.
"Dala-dala ko ang baby mo, natin." Sinimangutan ko siya. Hindi naman sa hindi ko ito gusto, pero kasi! Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto ko pa mag-aral, gusto ko pang maging doctor. Paano ko gagawin ang mga gusto ko kung may bata pala sa sinapupunan ko?
Tinignan ko si D na ngayon ay parang amaze na amaze lalo na nang hawakan niya ang tiyan ko. Wala pang sisipa kaya dapat ako na lang ang sumipa sa kanya. I can't believe this!
"D, paano ko sasabihin kay lola? Kay tita mommy?" Umupo na nang maayos si D at saka ako seryosong tinitigan. Alam ko ang nasa isipan niya at ayoko nito. "Huwag mong sasabihin sa akin na magpapakasal tayo. Ayoko pa." Sumimangot ito bago nagdekwatro.
"Jeling, pero doon din naman pupunta 'yon."
"Malay mo mag-away tayo tapos dahil moody ako makikipaghiwalay ako sa 'yo o kaya naman ay baka magsawa ka sa akin kasi sobrang moody ko at ayaw mo na sa akin bigla? D, ayaw ko pang magpakasal."
"Bakit mo ba kasi iniisip na maghihiwalay tayo?"
"Kasi in the first place, hindi ko alam kung matatag ang relasyon natin. Wala tayong pundasyon, wala tayong ligawan stage. Hindi rin na-feel na naging magkaibigan tayo for the past few months. Well, yes. Magkaibigan tayo noon pero D hindi naman katulad ng noon ang nakalipas na mga buwan." Narinig ko ang malalim niyang paghinga.
"Hindi naman tayo teenager na kailangan pa ng matagal na ligawan. Saka lagi mo naman sinasabi kung ano ang ayaw mo. Kung ayaw mo sa akin, edi sana sinupalpal mo na ako ng masasakit na salita."
"Grabe ka naman makapagsabi ng masasakit na salita. I'm not like that. A little bit lang but not too much." Hinawakan ko ang tiyan ko. "Tingin mo hindi talaga siya bunga ng pakwan? Baka kasi tumubo na talaga ang nalunok kong buto noon, e. Pero galit pa rin ako sa'yo dahil hindi mo sinabi sa'kin yung nangyari! Makaarte ka dyan wagas. Akala mo wala talagang naganap! That's why you're not even trying to kiss me!"

BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
Literatura FemininaIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz