Chapter 9: Walang taytol. suggestion?
Nakahawak pa rin ako sa dulo ng t-shirt ni Damian. Madilim ang buong bahay ngayon at mas lalong nakakatakot dahil sa kulog at kidlat. Feeling ko nga ay hindi na ako humihinga. Kulang nalang siguro ng mga nagtatakbuhang manika para lalo pa akong matakot. Oh God! Ano po ba itong mga nasa imahinasyon ko? Please let me think about something else. This is torture!
“Damian! Wala pa bang kandila?” Nasa kusina kami ngayon. Baka mamaya ay may mamamatay tao pala ngayon dito na nakahawak ng knife! “Ayaw ko pang ma-massacre!” Narinig kong natawa siya sa sinabi ko. Seriously! Alam naman niya na kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko tuwing umuulan ng ganito. Wala akong problema sa madilim pero huwag lang sana umulan at kumidlat.
“Same old Jeling.” Pang-aasar pa niya saakin.
Nawalan na yata ako ng lakas ngayon para sabihin sakanya na JL ang dapat na itawag niya saakin at hindi Jeling. Nakakainis.
“Heto na ang kandila. Lighter naman.”
“Wala kaming lighter. Sa stove nalang!”
Nang tuluyan niyang masindihan ang kandila ay bumitiw na ako kay Damian. Para akong nakahinga ng maluwag nang mapagmasdan ko ang paligid namin. Walang manika na tumatakbo. Walang mamamatay tao.
Kumuha ako ng chips at saka pumunta sa sala. Sinundan naman ako ni Damian dahil hanggang ngayon ay alam pa rin niya na takot ako sa kulog at kidlat.
“Nakagawa ka na ba ng exam?” Tanong ko sakanya. Just to have a conversation.
“Hindi pa.” Sagot niya saakin habang nagtitext.
“Girlfriend?”
“H-hah?” Gulat siyang napatingin saakin dahil sa tanong ko. Agad din niyang itinago ang cellphone niya. Dapat yata ay hindi ko siya tinanong niyon. Na-awkward yata siya.
“’Yung ka-text mo. Si Leo ba ‘yun?” Nguya lang ako nang nguya dahil ang tagal naman magkaroon ng kuryente.
Sumandal muna siya sa sofa at pumikit bago ako sagutin ng isa pang tanong. “Bakit mo naman natanong?”
Itinaas ko ang paa ko dahil baka mamaya ay may biglang humila sa mga binti ko. Naiisip ko palang ay parang lumalamig na ang buong katawan ko dahil sa takot.
“U-uh kasi hindi mo naman kailangan itago. We’re friends, remember? Alam ko naman kasi na bawal ang magkaroon ng deeper relationship sa mga nasa faculty. As far as I remember, wallpaper mo rin siya sa cellphone mo.” Muli akong dumukot ng mangunguya ko bago ako muling nagsalita. “Isa pa, halatang ayaw saakin ni Leo. Pansin ko rin na malandi siya at bantay sarado siya saiyo.” Nagkibit-balikat pa ako dahil observation ko lang naman iyon.
Minasahe niya ang kanyang sentido dahil na rin siguro sumasakit ang ulo niya sa mga sinasabi ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya. Kung normal lang siguro akong babae ay baka naakit na ako sakanya. Maganda ang katawan, gwapo, matalino at mabait pa. Sayang lang talaga at sablay siyang pumorma.
Ilang beses ba akong manghihinayang dahil lang sa ganito pumorma ang kaibigan ko? Mabuti nga dahil nakapambahay lang siya ngayon. Hindi siya mukhang zoo, stoplight at garden. Kulang nalang kasi ay dalhin niya ang buong kalawakan sa wardrobe niya.
“Actually,” Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. Halatang pinag-iisipan muna niya kung sasabihin ba niya saakin o hindi.
Nagkamot pa siya ng ulo at tumingin saakin. For the first time ay tumingin siya sa mga mata ko at hindi nautal! “She’s my ex.” Agad din naman siyang tumingin sa iba nang masabi niya iyon.
“Oh.” Kain lang ako nang kain habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kung meron pa.
“Siya rin ang nagpalit ng wallpaper ko.” Tumango-tango nalang ako. “To be honest, she likes you. Ganun lang talaga siya umasta.”
“Well, I don’t like her. Duh. She’s a bitch! Feeling ko ay lagi akong mapapahamak tuwing lumalapit siya saakin. Remember, kahapong nang niyaya niya ako para sumama sainyong lahat? Nanakawan kami! Tapos kanina ay kinausap niya ako tapos heto! Walang kuryente! Umuulan pa! Bonus pa ang kulog at kidlat. Bad omen siya.”
Speaking, tumitila na ang ulan at pawala na rin naman nang pawala ang malalakas na kulog.
“Hoy.” Tawag ko sakanya. Nakapikit na kasi ulit siya at nakasandal sa sofa. Ako naman ay humiga na rin sa sofa.
“oh?” Medyo husky pa ang boses niya ngayon. Halatang inaantok na siya.
“Huwag mo ako iiwanan hangga’t walang ilaw ah! Ayaw kong makakita ng aninong naglalakad.”
Ngumiti siya at feeling ko ay nakangiti rin ako ngayon. “Namiss ko ito.” I said smiling bago ko ipinikit ang mga mata ko.
“Namiss naman kita, Jeling.” Hindi ko na siya sinuway pa.
“I won’t still call you Carding. It’s so not bagay sayo.”
***
A/N: Kayo ba? may mga naiimagine ba kayo kapag madilim at malakas ang ulan?
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz