Chapter 37: Happy birthday to me
“So where are we going?” I asked. Maliwanag pa kasi at parang hindi naman niya alam kung saan kami pupunta. Ang pusa makakapaghintay naman. Hindi nga rin sure kung papaya din si lola. “Pwede bang dumaan nalang tayo sa isang shop?”
“Saan ba?”
“Hindi ko kasi tanda yung pangalan ng shop pero sa tabi lang naman yun ng shop nina Cole.”
“Okay.” Nakangiti naman siyang sumagot so I guess it’s okay with him. Hindi naman sa shop nina Cole ang pupuntahan and if shop nga nina Cole, whatever, wala naman akong kinalaman sa away nila. Six na nang marating namin ang tinutukoy kong shop.
Kung anu-ano ang ipinapakita saakin ni D na damit pero gees! Iginagaya ba niya ako sakanya? Kung siya kaya niyang magsuot ng weird na damit, well not me.
“Heto kaya?” Ipinakita ko sakanya ang isang high-waisted shorts. Matagal na akong hindi nakakapagsuot ng mga ganito simula noong nagtrabaho ako bilang teacher.
“Huwag. Ito nalang.” Nakangiti niyang itinaas ang isang sweatpant. Duh! At least kahit denim pants man lang sana.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko pa rin ang shorts na ipinakita ko sakanya kanina.
Kumuha na rin ako ng ibang damit para minsanan lang ang pagsusukat ko. “Magsusukat lang ako ng damit.” Sabi ko sakanya. Nai-stress ako sa mga hinahawakan niyang damit. Hindi siya marunong pumili ng damit pambabae.
“Sige lang. Hintayin kita.” Nakangiti naman nitong sagot saakin saka muling ibinaling ang atensyon sa mga damit sa harapan niya.
Hindi kaya siya naiinip na samahan ako?
Birthday ko naman. Bahala siya. Pinilit kong tanggalin sa isipan ko kung maiinip man siya bago ako pumasok sa fitting room. Mabagal pa naman akong mag-fit ng damit.
Agad din naman akong lumabas nang matapos akong mag-fit pero paglabas ko ay wala na si D.
“Miss? Yung kasama ko kanina?”
“Nagmadali pong lumabas kanina nung makatanggap ng tawag.”
“Seriously? Wala ba siyang sinabi?”
“Kung mahihintay niyo raw po siya, babalik daw po siya.”
Gee! Naiwan ko pa naman ang wallet ko sa sasakyan niya. “Pwede akong maghintay dito?”
“Pwede naman po. Kukunin niyo po ba?” She asked, pertaining sa mga damit na hawak ko.
“Ugh, maybe later.” Pinilit ko munang ngumiti bago iniabot sakanya ang mga damit. Card lang ang hawak ko ngayon at nawalan ako ng gana na bumili ng damit. Duh! Wala rin naman akong wallet paano kung hindi bumalik si D? Wala akong pamasahe tapos bitbit ko yung mga damit? No thanks. At least i have my phone dahil wala naman akog balak hintayin si D.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz