Time flies swiftly, it's probably because I never let the day goes by without doing nothing.
I focused myself on my career and because of that I finished the series together with Lily. We did a lot of promotions, collaborations, and mall shows together. Our fan base became bigger these past few months.
"Are you really going?" Maluha luhang tanong ni Lily. "I'll miss you, big time." Niyakap niya ako.
It's been a year, and our series ended successfully. At ngayon, aalis na ako papuntang Boston. I already signed my contract their, and the management was delighted to have me. They're looking forward for my arrival.
"Come on, Lily." I laughed. "You can go to Boston after your contract ended."
May isang taon pa kasi siya sa management namin. May iilang buwan pa bago matapos ang kontrata ko sa management ni Mel pero hindi naman nila ako pinigilan nang sinabi kong aalis na ako, at hindi ko na tatapusin. Agad silang pumayag without mentioning the contract.
Hindi na rin ako nagtanong kung bakit.
"Balitaan mo ako lagi, ah?" Paalala ni Lily.
Lily and Xhyrill are now lovers, it's been months since they confessed their love to each other, and I'm happy to leave Lily here because she has Xhyrill.
"I'll call you, or chat you, don't worry."
Silang dalawa ni Xhyrill ang naghatid sa akin sa airport. Si Josh at Reevon kasi ay may exam ngayon, ang parents ko naman ay ayaw akong makitang umalis, iiyak lang daw silang dalawa. Si Trevk at Mich ay nasa Boston na, roon ako sa kanila pansamantalang titira.
"Ingat ka roon, Reeve," si Xhyrill na ngayo'y inaalo ang umiiyak na si Lily. "We'll see you again, next time."
I smiled to them before saying another goodbye.
Hindi ko inaakalang sila pala ang maghahatid sa akin papunta sa airport. Going to Boston was already my plan, but I never planned not having Jayde here. And I guess, that's how things work. Minsan talaga, hindi umaayon ang panahon sa gusto natin.
I never heard anything from her since that day I left her inside the restaurant. Hindi rin nag krus ang landas namin sa loob ng isang taon.
Leaving the Philippines means leaving the life I had with her. Leaving the Philippines means leaving a conglomeration of our memories behind.
I'm not finally healed, but I'll get there.
Dahil sa rami nang iniisip, hindi ko na namalayan na nakalapag na pala ang eroplano. Hindi ko rin napansin ang haba ng biyahe dahil sa lalim ng iniisip ko.
New place, new life, new beginning.
Masaya akong sinalubong ni Trevk at Mich. Sobrang higpit nang yakap ni Mich sa akin parang ayaw na akong pakawalan. Niyakap din ako ni Trevk pagkatapos niyang kunin ang mga gamit ko.
"I'm sorry, we weren't there when you needed us," saad ni Mich.
Marahan akong ngumiti at niyakap siya.
"Come on, it's fine. Tumatawag naman kayo sa akin lagi, at ngayon, kasama niyo na ako."
Napansin ko ang marahang pagbitaw ni Mich sa akin, at ang panlalaki ng mga mata ni Trevk. Nagtataka akong lumingon sa likod ko.
And then, I saw Jayde. I haven't seen her in a year, but I still can recognize her even from afar.
She's a stranger to me now, but it's ironic, because I can still recognize her laugh, and her smile.
Pero, anong ginagawa niya sa Boston?
Nakasunod sa kanya si Mel, hila hila ang maleta niya.
Wala akong balita sa kanilang dalawa, pero siguro tapos na ang kasal nila? At dito ang honeymoon nila.
YOU ARE READING
Secretly Dating Her (Spotlight Series #1) [Complete]
RomantizmTwo woman who deeply love each other, chasing their own dreams having each other's arms. The other one, doesn't want to give up her dreams for her lover because she really want to go to the top. She's busy making her own name. While the other one, i...