Prologue

2.5K 34 8
                                    

Author's Note:
This is a work of fiction. STILL, given an infinite number of possible worlds, it must be true on one of them. And if a story set in an infinite number of possible universes is true in one of them, then it must be true in all of them. So maybe it's not fictional at all.


Drifting Through The Clouds
🏐
Prologue



Hingal na hingal pa kaming lahat matapos ang huling training namin dito sa Maynila. Bukas kasi ang byahe namin papuntang Ilocos para sa paghahanda ng gaganaping conference. Pero kahit nakasama na kami sa training ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko.



Una, pandemic. Pangalawa, matagal nang magkakasama sa team na 'to ang iba kong mga kasama kahit unang conference lang din naman last season. Pangatlo, mga Atenista karamihan ang nasa team.. ibig sabihin, nandito mismo yung team na kinalaban namin noong championship last UAAP Season 81.



"Guys, sige na. Lapit na, okay." isa pang pagtawag ni Coach sa amin.




Hawak ko ang maliit na tuwalya ko at pinunasan ang tagaktak kong pawis. Nilapitan naman ako ni Ate Den para tulungang tumayo, bagong recruit lang din tulad ko pero kahit na ganoon ay kakilala pa rin nila.




"Tara na, Cait." ngiti nito.





Patakbo kaming lumapit kina coach O. Nang makumpleto kami sa harap niya ay tinawag niya agad sila ate Mons.




"Okay, girls.. Hawak ko na." natatawa pa nitong balita. Ilan sa amin ang naguluhan pero ang iba naman ay parang alam na kung ano ito.




"Oh my gosh, ate Mons! Huwag mo akong i-room kay Deans!" pabirong sigaw naman ni Ponggay sa likod kaya tumawa sila.




Halla! Seryoso? Mag-a-announce na sila ng--




"Huwag kayong pala-desisyon dyan. Kami na ang nag-assign ng mga roommates. Hindi niyo na pwedeng palitan. Ang makikipagpalitan, hindi isasabak ni Coach sa taraflex."



Oh, please! Kahit na sino na, Lord! Maawa kayo. Huwag lang kay Bea!




Nag-cross finger pa ako para mas madagdagan pa yung ritwal na ginagawa ko sa isip ko. Unang araw palang kasi naintimidate na ako kay Bea, eh. Isa-isa nang tinawag nila coach ang magkakasama sa room. Narinig ko na sila Ponggay na nagrereklamo, ngunit alam mo namang pabiro.




"Beadel!" rinig kong tawag ni ate Mons.




"Yes?" sagot niya sabay lakad palapit dito. Grabe! Yung paglalakad ni Bea akala mo palaging manununtok, eh! Lord!




"Ikaw na bahala kay Caitlin."





Lord, please! Kahit si Shannen na lang! Wag na si Bea!




Pagbukas ko ng mata ko ay nasa harap ko na iyong pinagdarasal ko. Nagtataka akong lumingon sa paligid ko. Lahat sila may mga kapareha na.



Don't tell me..




"Hi, roomie." laking ngiti nito sa akin.




Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon