Chapter 19

1.3K 33 27
                                    

🌦️
Chapter 19





Nakatitig lang ako kay Bea habang pawis na pawis siyang kinakausap ni Coach O. He was being told what to do inside since struggling ang team namin. Nakakapuntos naman kami but when it comes to floor defense ay scrambling kami, even sa first ball kaya hindi gaanong makapag-set ng maayos si Deans.




"Deans.. ikalma mo lang. One point at a time." payo ko sa kanya when she was substituted by ate Jem.



Salubong na ang mga kilay niya at mabibigat at sunod-sunod ang paghinga niya. I tapped her shoulder. "Proud of you, no matter what." mahinang sabi ko, sakto na para marining naming dalawa dahil sa sobrang ingay ng paligid.




Deanna held my hand and smiled. Alam ko naman na she's worried of the game but most specially sa mga pupuna na naman sa laro namin. I know na kahit tahimik at hindi magsabi si Deanna ay alam naming nababasa niya yung mga negatibong komento ng ibang tao at palihim na nagdaramdam.




Why can't they just enjoy the game and just keep their negative comments to themselves? After games naman sobrang tadtad na 'yung pagkatao namin because of our coaches' tongue-lashing. Everything is too much already tapos dadagdag pa 'yung mga taong ang daming sinasabi sa laro namin. We're trying our best naman. Hindi naman kami basta naglalaro lang sa loob ng court. We have lapses, yes.. But we're fighting din naman.





Pinabalik na siya ni Coach O sa loob ng court nang dalawang magkasunod na nakapuntos kami. Nakatingin lang ako sa likod ni Deanna habang kinakausap siya ni Coach O. Sobrang hirap na ng ginagawa namin pero mas mahirap pa rin talaga na ijudge ka ng ibang taong hindi naman nakikita 'yung mga efforts mo.





"Lalim ng iniisip mo." sita sa akin ni Bea.





Napatingala pa ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Ayokong irisk na makita o makunan kami ng kung sino. "Naawa lang ako kay Deanna, sobrang bugbog na 'yan for sure."






Bea just stared at me like she's digging up something from me. I rolled my eyes without looking at her. Tikom ang bibig niyang binalik ang mga mata sa laro. Alam ko namang hindi ko agad matatanggal sa kanya 'yong selos na nararamdaman niya pagdating kay Deanna. Hindi agad pero sana inuunti-unti niyang sanayin ang sarili na talagang ganito na kami ni Deanna.





After our last game ended.. our team went for dinner. Patawa-tawa lang ang mga 'to but I know na may lungkot sa likod nito. Because of this pandemic sobrang iksi lang ng games this season. It only lasted for three weeks.




"We fought for it hard."




Napalingon ako kay Bea. Siguro ay pansin din nito ang pagtahimik ko. "I know.." but still I was hoping na sana nakatulong man lang ako sa team.





"We'll come back stronger. We'll train harder than the hardest." may pag-asa nitong pagpapalakas sa loob ko. "I just really hope na wala munang aalis sa team.."






Fourth place isn't that bad but we all hoped na we could get a podium finish. And Bea is showing her soft side now that the season ended. Alam kong gusto na nilang magpahinga lahat. Kahit naman ako na hindi gaanong nababad this season, pagod na eh.. Paano pa kaya sila?





Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon