Chapter 5

1.2K 32 4
                                    

🌦️
Chapter 5



"Hoy, Bea!" natatawa kong tawag dito. Paano ba naman bigla akong ni-lock sa labas ng veranda tapos kinukuhanan pa ako ng video.



Lagot ka talaga sakin kapag ako naka-tiyempo.



Tumigil na rin naman siya sa pang-aasar sa akin at binuksan na yung door ng veranda. Pero ang lokong Beatriz tawa pa rin nang tawa kaya inirapan ko na lang siya.



"Trip na trip mo talaga akong asarin, eh, 'no?"




"Ang cute mo kasi maasar, eh." sagot pa nito sa akin.




"Ah? Talaga ba?" sarkastikong tanong ko dito.




Umupo ako sa edge ng kama namin habang si Bea naman ay nakahiga pa rin at pinipigilan ang pagtawa.




"Nakakaasar ka naman, Bea, eh. Bakit mo ba ako pinagtitripan? Masyado kang nag-eenjoy." muli kong pag-irap sa kanya.





Nang mahimigan niya siguro ang totoong pagkaasar ko ay madali itong tumabi sa akin. She poked my arm like she always does whenever na nagpapabebe siya.






"Sorry na.." nakita ko naman ang pagnguso nito habang humihingi ng sorry. Mabilis na iniwas ko naman ang tingin ko para itago ang ngiti ko.






Hindi ka rin naman uubra sa akin. Ha! Akala mo ah.





"I'm just making lambing lang naman, eh." dugtong pa nito sabay yakap sa bandang baywang ko dahil nakahiga pa rin naman siya. She burned her face on my lower back while her left hand started to slowly tap my lap na akala mo nagpapatulog ng bata.





"Oo na. Sige na. Masyado mo lang kasing dinadalasan na asarin ako. Mabuti pa sila Deans favorite ako." kunwaring pagtatampo ko.





Tumigil siya sa ginagawa kaninang pagtapik sa akin. "Tsk. Ano'ng favorite? Lagi ka nga ring inaasar ni Deans pero hindi ka naman nagrereklamo. You're being unfair."





Akala ko ba ako ang nagtatampo dito? Bakit may sumasabay sa tampo ko?





"Huy, hindi ah. Grabe ka."





"Hindi ka favorite ni Deanna." sabay kalas sa pagkakayakap sa akin at tiningala ako with her nakasimangot look. "Ikaw ang may favorite sa kanya."





Hindi pa man ako nakakapag-react ay tumayo na siya tapos kinuha ang towel at dumiretso sa banyo para maligo.






"Tignan mo 'to bigla-bigla na lang akong wino-walk-outan."




Pagkatapos naming maligo pareho ay nagkulitan naman ulit kami na parang walang tampuhang kineme na nangyari. Ganito lang naman kaming pareho talaga, nasanay na lang kami sa ugali ng isa't isa.





Pagkaupo ko sa kama dahil kakatapos ko lang magpatuyo ng buhok ay agad na humiga na siya sa may bandang hita ko. Sabi niya fluffy daw kaysa sa unan niya. Yakap rin niya yung isa sa apat na panda bear na dala ko. Hindi na nga niya binabalik sa akin, eh. Kapag nagaayos na kami ng higaan pagkagising nasa pwesto lang niya yung stuffed toy ko. Hindi ko na rin naman babawiin. Cute nilang tignan, eh, lalo na pag tulog si Bea tapos yakap lang niya.






Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon