⛈️
Chapter 42I woke up with the smell of fried rice dominating the whole room.. When I opened my eyes, Bea is already smiling at me as if she's been waiting for me to wake up the whole time while holding a tray of food that I know she prepared herself.
"Good morning, love." she greeted me sweetly. Agad naman na napakunot ang noo ko but still, I managed to smile.
"Good morning.. Ano'ng meron? Dito tayo sa kwarto kakain?" natatawa ko pang tanong.
Tumango ito. "Yes. Breakfast in bed. Wait here, I'm just gonna get our orange juice." mabilis siyang tumakbo papuntang kusina at pagbalik niya ay may hawak na siyang isang pitcher at isang baso. She placed those at the bedside table.
Nang umupo ito sa gilid ko ay hinawi niya ang maiksi kong buhok. "I wish I get to tell you each day how much I love you.. Kung pwede nga lang sa lahat ng sasabihin ko merong 'I love you', eh, kaso baka mawalan na ng meaning sa'yo kahit pa sabihin kong iyon 'yung lagi kong nararamdaman."
I felt guilty for the past 2 days na naging tahimik ako sa kanya. I could really feel na may lungkot sa mga binitawan niyang salita. "Ang sweet mo today.. Ano'ng meron?"
Ngumisi ito at yumuko na parang may inabot sa baba ng kama. Isang pumpon ng bulaklak ang bumungad sa akin. Inabot niya sa akin ito na punung-puno ng ngiti. Kung kanina fried rice lang ang naaamoy ko, ngayon amoy rosas na.
"Anniversary na ba natin?" clueless ko pa ring tanong, kasi sa pagkakatanda ko she already gave me flowers on our anniversary-- tapos na 'yon, eh.
"Silly!" pabiro pa nitong pitik sa ilong ko. "There's no occasion, I just really wanted to give you flowers and make you smile."
You always make me smile! But.. there's just something that makes my smile fade.
"Feeling ko these past few days, we're not having enough time to spend it with each other. Kahit naman hindi mo sabihin, I can feel it. Hindi mo ako iniimikan. It's just that sana sabihin mo rin sa'kin kung anong mga nasa isip mo. Your thoughts are safe with me, remember?"
Parang biglang nawala 'yung mga gusto kong sabihin.. I don't want to ruin this moment so I extended my arms and hugged her. "I love you so much, Bei. I'm so grateful for the love you also have for me.."
Nang maghiwalay kami ay agad na hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ang mga mata ko na para bang ngayon lang ulit kami nagkita. Kahit kitang-kita ko sa mga mata niya na marami siyang gustong sabihin ay hindi ito nagsalita.. She just simply said "My home.."
Pinagdikit ko ang mga noo namin dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mga titig niya. "Kain na tayo? Lalamig na 'yung breakfast natin."
Ilang beses ko na bang iniiwasan ang mga bawat pagtatanong nito sa akin? Hindi ko na alam at hindi ko na rin mabilang.. Magkasama nga kami sa iisang unit pero halos nagkakaabutan na lang kami sa pagtulog or kapag gigising. Minsan tulog na siya pagkauwi ko dala na rin sa sobrang pagod, minsan ako naman dadatnan niyang tulog.. but the good thing is she makes sure na makakapagusap kami paggising ng umaga.
BINABASA MO ANG
Drifting Through The Clouds
FanficUAAP Pride Series #3 A CaitBea Fanfic. As Caitlin stood there, she felt overwhelmed and lost. She had to make a decision. But how could she possibly know which one was right for her? The weight of the situation felt heavy on Cait's shoulders, and s...