Chapter 8

1.1K 34 4
                                    

🌦️
Chapter 8





"Mom, we're here."





Nasa likod lamang ako ni Bea hanggang sa makalapit kami sa hapag nila. Naroon ang parents niya at ang kuya nito. Pababa pa lamang kami sa kanyang sasakyan ay hindi na matigil ang pagtibok ng mabilis ang puso ko dahil sa nerbyos.






Cait, ikalma mo. Bea said her parents are nice kaya kalma.







"Magandang hapon po, tita, tito. Hello po." magalang na pagbati ko. Agad na nasilayan ko ang magagandang ngiti ng mama ni Bea, even her dad smiled at me na para bang matagal na kami lahat magkakakilala. Unang lumapit sa akin ay ang kuya nito.






Yumakap ito sa akin ng mabilis bago ako hinarap. "Finally, Cait. Hello. I'm Bea's kuya Loel. Huwag kang mahihiya, ah? Kumain na ba kayo?"





"Hello po. Nice meeting you po.." nahihiyang pagbati ko dito.







"Nako, hija. The pleasure is ours. I am Det, their mom and this is their dad, your tito Elmer," palapit at umamba agad ng yakap ang ginang ng mga De Leon. Ramdam na ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin lalo na noong ang papa na nila ang lumapit sa amin. He put his hand above my head na parang bata at yumakap din sa akin. Ang pagyakap ng mga De Leon ay nagbigay sa akin ng pamilyar na pakiramdam. Ganitong-ganito kung yumakap si Bea.






"Feel at home, hija, ah? Kumain na muna kayo ni Isabel at hindi pa yan kumain dahil ang sabi sasabayan ka na raw niya."






Sinilip ko naman si Bea na ngayon ay pilit na nakangiti sa kanyang ina. "Uhm. Thank you po, tita.."






"Nasa pool area na sila, nagkakantahan banda sa may cottage. They already started grilling na rin.. I think you should eat muna bago kayo pumunta roon, mga anak."






Grabe 'yung pagtanggap sa akin ng family ni Bea para bang ang tagal na nila akong kakilala. Halata rin kay tita Det na gusto pa sana nitong samahan kami sa kusina ngunit tinawag sila nito ni Bea. Pagbalik niya ay wala na itong kasama.







"Sila tita?"






She cringed her nose. "Pinaakyat ko na muna. Baka kasi mailang ka. Mommy's madaldal pa naman."






"Ano ka ba.. Okay lang naman, eh. Besides, sobrang bait nila, namana mo sa kanila 'no? Sobrang warm nila yumakap."






"I'm glad you liked my family, Cait." nakanginti nitong sabi habang pinaglalagay ako ng juice sa baso.






"Well, I hope I made a good impression din naman sa family mo." Huh? Good impression for what, Cait? "Uhm, I mean.. uhm." pilit na naghahanap ng mas appropriate na words para baguhin ang nauna kong sinabi.






Inabot sa akin ni Bea ang baso ng juice. "Don't worry, they already like you even before today." nakangiti itong tumalikod sa akin.







Napag-usapan na namin ni Bea na hindi na kami kakain para makasabay kami sa mga kasama mamaya. Hawak niya ang kamay ko habang palabas kami ng bahay nila patungong pool area. Halos mamangha ako sa rangya ng bubay na kinalakihan nito pero hindi mo makitaan ng kahit anong kayabangan sa katawan.. Well, sa court medyo maangas naman siya. At may maiaangas din naman talaga.






Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon