Chapter 4

1.1K 34 2
                                    

🌦️
Chapter 4




"So, ano nga, Isabel Beatriz Paras-De Leon?! Parang may gustong sabihin mga serve mo kanina? Bakit may pag targeeeeeet kay Chowana Luwis!"




Ilang oras na ang nakakalipas nang makauwi kami galing sa game namin kanina at nandito halos lahat ng close friends ni Bea sa kwarto at hindi nila tinitigilan itong kantyawan. Pinagkasya namin ang mga sarili namin sa pinagdugtong nang mga kama namin ni Bea para daw magkasya kami.





"Alam niyo, guys? Kayo lang nagbibigay malisya." pasensyosong sagot na lamang ni Bea sabay tingin sa akin para humingi ng tulong. Kanina pa kasi ito sumesenyas sa akin na tulungan siyang pabalikin na sa mga kanya-kanyang kwarto ang mga kaibigan.





I only shrugged at her kasi wala naman talaga akong magagawa.




"Eh bakit siya ang target mo kanina sa service line, aber?" si Deanna.





Muli ay nabalot ng kantyawan ang kwarto namin. "Hay nako, Deans.. I only followed Coach O's advice. You know naman na medyo off sa receiving si Jho kaya siya yung pinapatarget, 'di ba? Hindi lang naman sakin, sa inyo rin."




"Okay, okay. Sige na, sabi mo, eh. Pero, ate Bei.. Ano'ng na-feel mo kanina?"





Bago pa man makasagot si Bea ay pinatigil na ni Jamie si Deanna. "Deans, stop na. Tigil na ang pang-aasar kay Bea. Enough, okay? At isa pa, matagal na silang wala kaya let's put it behind na."





"Oo nga. And isa pa, baka pag inulit-ulit niyo siyang asarin biglang bumalik pa feelings niyan, mas lalong kawawa na naman si ate Bei. May boyfriend pa naman si ate Jho." pagsang-ayon naman ni Ponggay kay Jamie.





"Teka.. Nag-uusap pa ba kayo?" tanong naman ni Maddie kay Bea.





Matagal na nag-isip si Bea. "Hmm. Nag-uusap like before? Hindi na. But we still exchange HIs and Hellos though. Minsan konting kamustahan lang pag nagkakasalubong."






"That's good, 'no? At least you're trying to be casual with each other. You were friends naman even before you became lovers after all." si Jamie.






Tumango naman si Bea. "Oh, ano, Deans? Are you satisfied na ba na ginawa mo akong barbecue? You grilled me!"






Natawa na lang ako ng tahimik sa pagbibirong iyon ni Bea. Bigla naman humiga si Deanna at ipinatong ang ulo niya sa may hita ko. Inayos ko ang pagkakaunan niya para hindi kami mahirapan pareho. Samantalang nahagip ng mga mata ko si Bea na titig na titig lamang kay Deanna.





Siguro kawawa na si Deanna sa isip ni Bea. Baka doon na niya binubugbog si Deans kakaasar sakanya. Natawa naman ako sa naisip ko.






"Guys, ano na? Wala ba kayong balak magpahinga?" medyo naiiritang reklamo ni Bea sa mga kaibigan.






"Bakit mo ba kami pinapalayas, ate Bei?" reklamo din ni Deanna na parang bata na nakakunot ang noo.






"Kasi may mga kwarto naman kayo? At saka hindi ba kayo napagod today?"






"Eh, mas relaxing dito, eh. Palit kaya tayo ng room, ate Bei?" pilyong tanong niya dito.





Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon