Chapter 1

1.4K 30 0
                                    

🌦️
Chapter 1



"Okay, girls, settle down. Lapit na kayo dito." tawag sa amin ni Coach after ng swab test para sa health protocol.



"Our game will start in 4 days and we'll give you time to adjust with your roommates lalo na sa mga bago niyong kasama. Tomorrow, we'll start our drills and trainings."



Marami pang ipinaliwanag ang coaching staffs namin dahil mahigpit pa rin ang lahat dahil sa covid. Nasa iisang hallway lang ang rooms naming team kaya ayos na rin.



"Tara?"



Nagulat pa ako nang lumapit sa akin si Bea. Tumayo na rin naman ako.. Ayoko na lang ipahalata na hindi pa rin ako ready para maging roommate siya.



"So.. we're here." sabi niya nang huminto kami sa tapat ng pinto. She has our keys too so she opened it. Pinauna pa niya akong pumasok.




I was roaming my eyes inside our room when I heard the door closed.




"You like our room?" tanong nito at nilampasan ako para dumiretso sa sliding door. Hinawi niya ang kurtina non atsaka binuksan ito.




"Cool. May veranda.." lumapit ako sa kinaroroonan niya. "And tanaw yung beach dito."



Tumango ito. "Do you want to take a walk later with me?"




Sa una, medyo nagulat pa ako sa pag-aaya niya na hindi ko na lang pinahalata.. Pero siguro ito na rin yung way talaga niya para hindi kami magka-ilangan. She's really doing something to close the gap between us. And knowing Bea, tulad ng mga pag-a-assure ng ibang teammates namin, she's really very accommodating.



"Sige. Medyo matagal na rin na hindi ako nakakapag-dagat."



Ever since this covid appeared out of nowhere, sobrang dami na niyang plans na na-cancel.. Too many opportunities missed.



Bea opened her luggage. Halos nanlaki ang mga mata ko dahil sa dala niya. Dala ba niya buong kitchen cabinet niya? Sobrang dami niyang dalang instant noodles, junk foods, cookies.. pati mga canned juice meron din siya. Naalala ko tuloy yung sabi ni Ponggay. Siya siguro talaga si Doraemon?




"What? Why are smiling like a mad man, Cait?" takang tanong nito sa akin kaya naman agad na tumikhim ako. Hindi ko na namalayang nakangiti na ako dahil sa pag-iisip.



"Eh paano.. nasabi ni Pongs na si Doraemon ka. No wonder they call you that." pagpipigil ko pa rin sa pagngiti sabay turo sa maleta niya.




Napakamot naman ito sa kanyang batok. Cute naman mahiya ni De Leon!




"Tsk. It's for emergency. Sometimes kasi they would just barge in my room kahit hindi naman sila ang roommates ko. They like eating all of my food, so.."




"So.. parang you're like the "ate" figure nila 'no?"



She smirked and pouted. "More like the mother figure." sukong pagtanggap nito.




Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon