Chapter 20

1.2K 31 6
                                    

🌦️
Chapter 20





Where is it? Tangina!




Halos itapon ko na lahat ng mga gamit ko sa sahig para lang mahanap ang isang kahon na palagi ko lang dala sa bag ko.




My heart is racing and feels like it won't calm down until I get to find what I was looking for. At parang alam ng langit na kapag hindi ko nahanap iyon ay pagsasaklubin ko ang sila ng lupa, so then I found it. I quickly picked it up and went back to that room.




Muli ay napatigil ako sa pintuan at walang ibang nagawa kundi ang panoorin kung paano ko nasasaktan ngayon si Beatriz. I've never seen her this devastated before. Binalot ng kanyang pag-iyak ang buo niyang kwarto.




This is not what I meant to happen! Sht naman!




"B-bei.." sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng boses.



She didn't even bother looking at me though. "Oh.. You're.. Uhm.. You're still here." her voice is broken and I could feel that her heart is breaking too.




I bit my lower lip. "Hindi naman ako umalis.."




"You did, Cait." puno ng hinanakit niyang sagot.




I closed my eyes and almost hit my head on the wall. Tanga! Tinakbuhan mo siya kanina, remember?! Malamang ay naisip niyang..




Mahigpit kong hinawakan ang kahon sa aking kamay bago humakbang palapit sa kanya. Nakayuko pa rin ito at hindi man lang nag-angat ng tingin para tignan ako. Mas bumigat pa lalo ang dibdib ko at parang anytime sasabog na dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.. Umiiyak si Bea dahil sa akin. Nasasaktan din ako tuwing nasasaktan siya.




"Hindi ako umalis. Kinuha ko lang 'to." lakas-loob kong pagpapakita sa kanya ng kahong hawak ko. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sakanya kahit papaano. Ayokong patuloy niyang isipin na kaya ko siyang iwan.



This time ay gumalaw na ang ulo nito. Nag-angat na siya ng tingin at tumitig na sa kamay ko.




"I remember when you gave me this.." panimula ko. I even tried to smile pero hindi ko rin naman kinayang ngumiti ng matagal.




Ngayon ay nilipat na niya ang titig sa akin. Nasasaktan talaga akong makita si Bea na ganito. She doesn't deserve any pain.. Pero hindi ko naman siya sasaktan! Hindi ko naman sinasadyang isipin niyang iniwan ko siya..



She frowned like she didn't like what I did. "W-what's this.."



Again, I forced a smile. "The necklace you gave me.."



Umiling ito na para bang naguguluhan. She stood up. "W-why? Why are you giving this back?"




Ako naman ang kumunot ang noo. "I.."




"Why do you have to break my heart at no stop, Cait?" hindi makapaniwalang tanong niya. "You should've left instead! You don't have to break me twice." patuloy na pagtulo ng luha nito dahil sa hindi makapaniwalang ginagawa ko.




Drifting Through The CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon